Gabi-gabi umiiyak ako mag isa, Sobrang sama ng loob ko pero alam kong wala akong karapatan na magalit kay lola, Lahat kasalanan ko lahat. Nag pakatanga ako sa maynila.

akala ko habang buhay na kong hindi papansinin ni lola pero nung nailuwal ko si gael, Parang nagiba ang pader na nakaharang samin. Parang lahat ng galit niya nawala.

Siya ang unang bumuhat sa anak ko, Unang nag padede unang nag paligo, lahat siya ang gumawa, Parang anak niya nga si gael pero ako lang ang nag luwal,

Masaya at kuntento na kong kasama silang dalawa pero lahat ng kasiyahan natatapos.

Nawala si lola, Iniwan niya kami, At ngayon hindi ko alam kung matatanggap ba ng anak kong hindi makita ang lola niya..

"L..lola.." Umiiyak na saad ko, Hindi ako sanay na wala siya sa tabi namin. Hindi ko kaya.. hindi ko alam..

Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi, Nagising na lang ako ng maramdaman ang pag alog sakin ni gael.

"Nanay nagugutom na si gael!" napabangon agad ako, anong oras na ba, kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa ilalim ng unan, Cellphone pa to ni lola,

"Ten na pala, Wait baby, bibili lang si nanay,"

Bumili ako tapos pinakain ko na siya, Nag ayos aga ako ng sarili ko, kailangan kong mag hanap ng trabaho ngayon. Konti na lang ang natirang pera ko..

Kanina pa ko nakaupo dito habang nakatingin sa tatlong lalaki.
Pero yung dalawang kasama ko lang ang tinatanong nila, Sino ba naman kasi ang tatanggap sa isang under graduate at walang job experience na katulad ko.

Sinundo ko si gael sa bahay ni claire pag uwi ko, Pagod na pagod ako sa dami kong in-apply-an na trabaho pero pakiramdam ko walang tatanggap sakin.

"Thank you claire ha, Pasensya na talaga." saad ko habang kinukuha ang anak kong tulog na katabi ang dalawang bata,.

"Ano ka ba ayos lang yon, Hindi naman pasaway si gael eh," nakangiti niyang saad. Nag paalam na ko sa kanya.

Nakatulog agad ako sa pagod ko, Kinabukasan lumaki ang mata ko sa gulat ng mabasa ang isang mensahe sa cellphone ko,

'09*********'
Good morning ms. navarro
Congratulation! You have passed the
interview at OCorporation. Please come
here at 8:00 in the morning for your
briefing. Thank you.

Nag tatalon ako sa tuwa,

"Yes!!" hindi ko inaasahan na may tatanggap sakin, Mabilis na niyakap ko si gael,

"Bakit nanay..?" takang tanong niya

"May trabaho na ko!" masayang saad ko,

Mabilis na nag bihis ako, Isang paldang itim na hanggang taas ng tuhod ko ang haba at polong hapit sa katawan ko ang sinuot ko, ti-nuck-it ko yon at sinuot ang itim kong close shoes na may two inch ang taas.

Huminga ako ng malalim ng makita ang malaking building.

"OCorporation.. Kaya ka to!"

Kapansin-pansin ang karangyaan sa loob ng kompanya na ito dahil sa mga desenyo. Lumapit ako sa receptionist na nakita ko,

"Good morning po, Im leyla navarro an--"

"Yes. Please follow me." ngumiti siya sakin bago naglakad palabas sa table na nakaharang samin. "This way." Saad niya pa. Sumunod ako sa kanya hanggang makarating kami sa mga elevator.

Lalon lumakas ang tibok ng puso ko ng bumukas ang pinto ng elevator. Kumaliwa kami at nakita ko ang isang table na may matandang nakaupo, Sa gilid non ay malaking salamin na pinto.

"Andyan si boss?" Tanong ng receptionist habang nakaturo sa pinto.

"Oo, Ms. navarro?" Tanong niya sakin. Tumango ako,

"Opo,"

"Come in, Hinihintay ka na ni sir." Tumango ulit ako tapos lumunok bago itulak ang pinto,

Tumambad sakin ang malaking bintana na parang tanaw ang buong maynila, May table don at may sofa naman sa tapat ng table,

Nakatalikod ang upuan sakin kaya hindi ko alam kung may tao ba don. First time ko to kaya hindi ko alam ang gagawin ko,

"Uhmm..Good--" natigil ako ng biglang gumalaw ang upuan paharap sakin, Feeling ko lumuwa ang mata ko ng makita kung sino ang nakaupo don,

"Good morning ms. Navarro." Napakurap ako ng ilang beses bago napaatras, Anong ginagawa niya dito?

"G-grey..." Nanginig ang boses ko sa pag bigkas ng pangalan niya.

"Yes the handsome grey." ngumiti siya sakin.

Shit! Double shit!!

******

Dear readers, Ang sarap sa pakiramdam na basahin ang mga Comment niyo. Parang nasa 7th heaven.. Chos! XD

THANKYOU PO!

dadayluv

thankyou so much po sa pag suporta ng story ko, Sana po patuloy mong suportahan ang mga stories ko, Love you teh! (FClangXD)

Take care and Godbless po ;)

VOTE AND COMMENT

GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Where stories live. Discover now