Chapter 19

5.9K 139 2
                                    

Dianne's pov

"Weh? Alam na ni Kenneth yung ginawa mo?" Tanong ko.

"Oo ate! Kagabi kasi akala niya papatyin ko sarili ko eh nag luluto lang naman ako eh" nakanguso niyang sambit na ikinatawa ko.

"Eh bat niya naman naisipan na papatayin mo sarili mo?"

"May hawak kasi akong kutsilyo, ate. Ayun, akala niya sasaksakin ko na sarili ko eh nag hihiwa lang naman ako ng green onions! Ang OA ni kuya grabe!" Sambit niya at mas lalo akong natawa.

Natigil kami sa pag k-kwentuhan nang makababa si Kenneth ng hagdan. Hindi niya kami pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad. Mukhang beast mode kay Katelyn ah.

"Galit ata sayo, Kate" natatawa kong saad sa kanya.

"Kj talaga ni kuya. Sarap itapon sa mars" reklamo niya.

"Gusto mo ikaw itapon ko?" Sarkastikong tanong ni Kenneth.

"Kuya naman. Nag bibiro lang eh" sambit ni Kate at tumayo para lapitan ang kuya niya.

"Tsk"

"Sorry na kase. Di ko naman sinasadya na umakyat sa bulding na yun eh"

"Ah so may sariling utak yung mga paa mo? Ganun?" Pilosopo amputek.

"Ang ano neto! At least nga hindi ako tumalon!"

"Alam mo, kung mag s-suicide ka. Gawin mo sa lugar na mag isa ka lang. Hindi yung mandadamay ka ng buong school campus!" Sermon ni Kenneth. Aba...

"Ah so gusto mo talaga akong mamatay, kuya?" Nakapameywang na tanong ni Katelyn.

"Hindi. Gusto kita dalhin sa mental. Malala na yan Katelyn ha" pang aasar niya kaya hinampas siya ni Katelyn sa braso.

Bearing My Doctor's Child √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon