CHAPTER 21: DANIELLA

240 3 1
                                    

Hindi ko alam kung maaawa ako o magagalit kay Ali, maaawa siguro dahil sa sitwasyon niya at magagalit dahil sa dinami dami ng tao ay si Max pa talaga ang naisipan niyang gawing comforter? Hindi ako tanga,.alam kong may iba pang rason at ngayon alam ko na ang sitwasyon niya ay mas dapat lang siguro na gawin ko ang lahat para hindi niya kami masira, katulad kanina habang hinahatid ako ni Max pauwi ay nagtext siya na magpapasama kay Max, nag-usap na kami na wala siyang itatagu mula sakin lalo't related kay Ali pero dahil ayoko namang sabihin ni Max na ang sama kung tao para tanggihan si Ali ay pumayag ako at dahil may tiwala din ako kay Max. Buti nalang at from time to time ang pag-uupdate ni Max sakin at nagrereply siya everytime nagtetext ako. Bigla akong nahilo kaya nagpahinga muna ako sa sofa pero maya-maya ay nagutom naman ako and im craving again for mango-avocado shake at parang andami kung gustong kainin so I texted Max and I smiled when his name appeared on my phone.

'Babe? Andami mo namang gustong kainin, yun lang ba?' Natatawa nitong tanong sa kabilang linya.

'Eh nagugutom ako eh. Babe? Matagal pa ba kayo jan?' Hindi ko maiwasang maitanong sa kanya

'Hindi ko sigurado babe eh bakit? Miss mo na ako?'

'Oo eh. I miss you already, bakit ba kasi ikaw pa ang gusto niyang kasama' may halong tampong sabi ko.

'Babe, we've talked about this right? Saka temporary lang naman to eh. Wait, gusto mo bang puntahan na kita jan ngayon? Kasi I can-'

'No babe, samahan mo nalang siya totak anjan ka na naman. I trust you okay, sige na babe' i said kahit mabigat sa loob ko kahit bweset na bweset ako sa lintang yun eh di ko naman maiwasang di maawa sa kanya, she really has no one.

'Are you sure na hindi ka galit?' Paniniguro nito.

'Hindi nga. Basta yung mga bilin ko ha? I love you, bye babe'

'Yes maam. I love you more, bye.' Bago nito binaba ang phone ay narinig ko pang tinawag siya ni ali. Napabuntong hininga nalang ako, may tiwala ako kay Max at yun ang panghahawakan ko. Para naman malihis ang utak ko ay nagbasa nalang ako ng mga magazine.y

'Hindi ko ata gusto si Ali' nabigla ako ng biglang sumulpot si mommy sa likuran ko habang ngbabasa ako ng magazine at mas nabigla ako sa sinabi nya.

'Si ali mmy? B-bakit po?' Tanong ko habang nilalapag ang magazine sa center table.

'Oo anak, there's something about her and I dont like the way she talked to you parang lahat nalang may laman' akala ko walang nakakapansin pero iba pa rin si mommy, maski nung bata pa ako ayaw niyang may nangbubully sakin.

'Hayaan niyo na yun mmy saka ako pa ba? She wouldnt dare' paniniguro ko sa kanya kahit mula nung umuwi dito si Ali ay hindi na maalis ang takot sa dibdib ko.

'O sige, ang akin lang naman eh kung ano lang yung nakikita ko. I might be wrong, pakikitaan pa rin natin ng mabuti si Ali.' Saad ni mommy.

'Makikipagplastikan tayo? Ako?' Sagot ko. Nakakapagod naman ata yun.

'Hindi pakikipagplastikan ang tawag jan Dani, good manners ang tawag jan? Understood?' At talagang mas diniinan pa ni mommy ang good manners. Meron ba naman kaya niyang ang babaeng lintang yun. Nagpaalam na si mommy at naisipan ko na ring umakyat sa kwarto ko, i need to take a shower para mawala ang stress ko at lumamig ang ulo ko. Im about to take a shower ng madaanan ko ang mga sanitary napkins wait, dapat meron na ako ngayon biglang may umahong kaba sa dibdib ko then I started to count days, holy mother of shit

'Im 3 weeks delayed' bigla akong napaupo sa may bath tub ko at napasapo ako sa dibdib ko 'pregnancy kit, tama' tumayo ako at dali daling hinalungkat ang drawer ko, i remembered I bought 4 kit right after we made love, nakalimutan ko lang gamitin at ng makapa ko ang preg.kit ay dumiretso ako sa banyo at binasa ang directions saka ko ginawa ang mga steps, i waited bago ko icheck ang result and I almost cried when i saw it pero sinubukan ko parin yung iba pero iisa lang ang results nila.

'Positive, im pregnant'

Perfectly MismatchedWhere stories live. Discover now