CHAPTER 14: MAX

274 3 0
                                    

Kanina ko pa gustong itext si Daniella pero talagang nabusy ako sa practice namin kanina at andaming pinagawa samin sa mga classes ko kaya di ko na siya natext but I made sure na mapadalhan siya ng mga gusto niya, pambawi dahil hindi niya ako nakasama.

'Okay class dismissed.' Pukaw sakin ng prof namin at dun ko lang nahawakan ang phone ko. Its all from her and I smiled reading her last text kahit sa text, cute parin tong babaeng to.

'Hey bro, magbabar kami mamaya. Hindi kana sumasabay ah' aya ng isa kong teammate sa basketball.

'Next time na bro' sagot ko sa kanila 'drink for me nalang, susunduin ko pa si Daniella eh'

'See? I told you. Under de saya kasi yan, kung ako pa kasi ang pinili mo over that arrogant girl hindi ka sana napag-iiwanan' maarteng sabat ni Narrae, classmate ko na halos ioffer niya na lahat sakin.

'Pasensya na Narrae, tumaas na kasi ang level of taste ko sa babae and you're not qualified. Sige, mauna na ako sa inyo bro,' ayoko sanang patulan pero ayokong may hindi magandang naririnig tungkol kay Daniella, yes she may be arrogant sometimes but she has all the right in the world to be, isa pa arogante lang siya sa mga taong wala ng ibang ginawa kundi ang bwesetin ang araw niya. Bago pa ako umalis ay narinig ko pa ang mga classmates kong binu-boo si Narrae.

Nagdidiscuss pa sila ng makarating ako sa classroom nila kay sumandig muna ako sa wall, maya-maya lang ay narinig ko ng natapos sila hinintay ko nalang siyang makalabas ng room. I spot her agad at lalapitan ko na sana siya ng may lumapit na lalaki sa kanya, hindi niya ako agad nakita dahil parang may pinag-uusapan sila, tinitigan ko ang lalaki at kumulo ang dugo ko habang nakikita siyang titig na titig at may halo pang ngiti habang nagsasalita si daniella. Di na ako nakatiis at lumapit na ako.

'So Jake ganito yun all the budgets from our-'

'Babe' lumingon siya sa gawi ko at agad na ngumiti ng makita ako at yung lalaki naman ay parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha.

'Hi babe' hinapit ko ang beywang niya at hinalikan siya sa labi. Bahagya pang nagulat si Daniella pero gumanti naman siya ng halik. The kiss took a few seconds bago ko siya pinakawalan but my arms remained wrapped on her body.

'Ahh J-jake si Max-'

'I know him' mapaklang sagot nito habang di maipinta ang mukha.

'So alam mo rin na boyfriend niya ako?' Di ko mapigilan ang sarili ko.

'Of course alam niyang-'

'No I dont. Hindi ko naman alam na papatol pala si Daniella sa katulad mo, I mean akala ko hindi papatusin ng isang Daniella Altamonte ang mga tulad mong parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng babae. I really thought that Daniella's smart enough to choose a decent guy' He smirked habang titig na titig sakin na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

'Gago ka palang-' hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil biglang hinarap ni Daniella ang lalaki.

'So you're actually telling me to choose a more decent guy over my boyfriend? And if im not mistaken you're claiming that you are a decent guy? And that I should have chose you? Sorry ha pero may narinig kasi akong balita Jake and I want to share it with everyone who's listening right now, ang alam ko kasi ay may pinatulan kang bakla na taga engr.department, im not sure kung tama ako ha but the name is Erik who's Erika by night and after he bought you a condo somewhere in Makati ay iniwan mo raw agad ang kawawang bakla' nakatunganga lang ang lalaki at di makaimik, halatang nagulat sa sinabi ni Daniella 'well im not proud of what my boyfriend did in his past pero atleast wala siyang hinuthutan just to get what he wants. I have nothing against gays but I dont like men who take advantage of their gayness just to get what they want. Sad to say you are one of those assholes Jake, so now lets talk about decency if you may' Hindi pa rin makaimik ang lalaki sa sinabi ni Daniella habang ngiting ngiti lang ang fiancee ko, what she did doesnt make me love her less mas napahanga pa ako sa kanya. Gusto ko yung nilalambing niya lang ako, i love how fragile she is sometimes but I also love how fierce she is when it comes to situations like this. Minahal ko siya sa pagiging malambing niya pero mas minahal ko siya dahil alam kong siya ang tipo ng babae na hindi mo pwedeng basta-bastahin nalang.

Perfectly MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon