CHAPTER 24: DANIELLA

252 1 0
                                    

Nang masara ko ang pinto ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Nasaktan ako sa naging reaksyon ni Max kanina, ganun ba kahalaga si Ali para sa kanya? Mula ng makauwi ako ay walang tigil ang tawag niya pero litong lito ako, nalilito ako dahil hindi ko na alam kung dapat ko pang pagkatiwalaan ang pagmamahal niya para sakin at kung sapat pa ba ang pag-iintindi ko o kung may maibibigay pa ba ako sa kanyang pag-uunawa. Naputo ang pag-iisip ko ng may kumatok at pumasok si mommy kaya dali dali kong pinahid ang mga luha ko.

'Nagtext si- Umiiyak ka ba? Dani?' At mas lalo lang akong umiyak ng maramdaman kung umupo si mommy sa tabi ko. 'What happened? Nag-away ba kayo?' Umiyak lang ako habang hinihimas ni mommy ang likuran ko. May mga bagay pala na hindi mo kaya ng mag-isa pero hindi ba dapat si Max ang nandito? 'Kukuha ako ng tubig anak' patayo na sana siya ng magsalita ako.

'Im pregnant mom' at alam kung nabigla si mommy sa narinig niya, pareho kaming di makakilos.

'D-does he-' hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay tumango na ako. Bumalik ito sa pagkakaupo at napansin kong nagpahid ito ng luha.

'Im sorry. Im so sorry mmy, alam ko, alam kung sobra sobrang disappointment na ang binibigay ko. Im so sorry, pls forgive me. Im sorry' humagulgol ako at nanatiling walang kibo si mommy hanggang sa naramdaman kung hinawakan niya ang kamay ko.

'Stop crying Dani, ssshhhh. Tama na, tama na anak' at niyakap niya ako. Walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina sa anak,. 'Tama na, makakasama sa baby yan Dani.' Nanatili kami sa ganung posisyon ng may kumatok. 'Pasok' at iniluwa nito si daddy.

'Oh nagdadrama na naman ang mag-ina ko' Nakangiting bati nito sa amin

'Your daughter's pregnant' deretsang sabi ni mommy at nakita kong nagulat si dad but later on he expelled a heavy breath before he sat down with us.

'Alam na ba ni Max?' Tumango lang din ulit ako.

'Gagong bata' nakita kong mangiyak ngiyak si daddy pero nanatili akong walang imik. 'Anjan na yan, ano pa bang magagawa natin. How long?' He asked without looking at me.

'3 weeks dad.' Maikling sagot ko ng nakayuko.

'1 month from now ay gagraduate ka na. I dont want to be rude but do everything to keep it as a secret for now' ma-otoridad na saad nito. My baby? He'll be kept in secret?

'Dont think that im denying your child as my grandchild, I just dont want the situation to ruin your future. We'll announce it as soon as everything's fine. Alam na ba to ng parents nila?' Naiintindihan ko. Gagawin ko lahat para mapagbigyan si daddy, I dont want to give them another disappointment from me. 'Mariel, call them at sabihin mong mag-uusap tayo ngayon dito sa bahay.' Akmang tatayo na ito pero kumapit ako sa braso niya.

'Dad? Im sorry. Please dont hate me' lumuluha kong sumamo sa kanya at dun lang ako tinignan ni dad at bumalik siya sa pagkakaupo at niyakap ako.

"How can I hate my own princess? How can I unlove you? Im disappointed, yes but I wont hate you Dani. Im your dad, alam kong may Max kana but as long as I live I will never leave you or your mom kayo ang buhay ko. I will protect you lalo na ngayon, you will never feel alone.' At mas lalo lang akong umiyak, ano bang nagawa kong tama to deserve them? 'Wag ka ng umiyak, nakakasama yan sa apo ko'

'Your dad and I will never leave your side Dani, no matter what situation occurs, you will always have our back.' Pareho nila akong niyakap. Sana, sana maramdaman ng anak ko ang ganitong pagmamahal? Pero paano? Paano kung ako mismo ay hindi matanggap na pinabayaan ako ni Max na masaktan para sa ibang babae.

Nang dumating sila Max ay nanatili lang akong walang kibo pero bago paman sila dumating ay tinext ko na si Max at pinakausapan na wag nya akong kakausapin because he will only upset me at makakasama sa anak ko pumayag siya as long as magiging okay lang kami ng anak ko. Magkatabi kami pero wala kaming imikan at tila nakapansin sila mommy kaya di nalang kami pinakialam at nagpatuloy sila sa pag-uusap.

'Sa ngayon isa lang ang ipakikiusap ko sayo Max, wag na wag niyo munang ipaalam sa kahit kanino ang pagbubuntis ni Daniella, i still want her to graduate at hindi makakatulong sa kanya kung pagtsitsismisan siya sa university.' Saad ni daddy.

'P-pero paano po kung mahalata ang tyan niya?' Narinig kong tanong ni Max pero hindi ako umimik.

'Max anak, she's only 3 weeks pregnant at isang buwan na lang ay graduation niyo na and she's petite so no one will notice that she's pregnant, she may only gain weight but at that span of time no one will be unnoticeable.' Her mom explained at nakahinga ako ng maluwang atleast.

'Tama ang mommy mo Max, kahit ikakasal kayo, we still have to consider your standings in school. Saka please avoid upsetting her' inangat ko ang tingin ko dahil nahalata kong diniinan ni mommy ang word na upsetting. 'She's pregnant and stress wont help her. I hope we're clear in that matter Max'

'Y-yes ninang.' Gusto kong maawa kay Max dahil magulo ang buhok niya at mugto ang mga mata niya pero tinigasan ko ang loob ko.

'I think ill have to take a rest. ' tumayo ako para magpaalam 'tita, tito mauna na po ako sa inyu, it has been a long day for me' hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.

'Sure hija, sige na at kailangan mo ng pahinga' binigyan ko sila ng isnag matamlay na ngiti dahil yun pa lang ang kaya kung ibigay sa ngayon.

'Ihahatid na kita sa kwarto mo babe' tumayo si Max.

'Wag na babe, baka kakausapin ka pa nila, ill be fine' I said without looking at him.

'S-sige. Bukas nalang, susunduin kita.'

'Baka late na akong pumasok bukas, maaga ang practice mo diba? Mauna kana lang' hindi ko na hinintay ang isasagot niya at umakyat na ako sa kwarto ko.

Sino bang nagpauso ng happy ending? Hindi ata ako kasing swerte ng mga disney princess.

Perfectly MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon