Prologue II

1 1 0
                                    

NAGLALAKAD NA PALABAS ng MRT station si Violet pero ang busangot sa mukha niya hindi pa rin maalis.

Dumaan siya sa isang pila ng mga jeep at pasimpleng sumilip kung gaano kahaba pa ito.

"Hoy miss, singit ka ah?!" pagsita ng babae sa kanya.

"Ha? Kararating ko lang."

"Mahiya ka naman, kanina pa kami dito, matanda pa yung sisingitan mo!" pagmamaldita pa nito sa kanya.

"Napadaan lang ako kasi sinisilip ko kung nasaan na ang dulo ng pila, singit agad?! Judgemental mo teh ah?!" pagtataray na rin niya.

"Dun ka sa dulo pumila!"

"Hindi ka na nahiya! Ang bigat pa ng dala ng matanda."

"Buhatin ko?! Masyado kayo... Napadaan lang eh.." at naglakad na siya palayo sa pila ng jeep sana pauwi sa kanila.

Ngunit bigla siyang nakasalubong ang lalaking kanina nakita sa may tren, pero nang magtama muli ang mga mata nila ay umiwas na naman ito ng tingin sa kanya. At dahil matangkad ito, pilit itong gumawing malayo ang tingin sa kanya imbes na yumuko. Hindi na lamang pinansin ulit iyon ni Violet.

Nang makalayo ay sinusubukan niyang pumara ng taxi pero hindi siya hinihintuan. At nang may isang huminto sa kanya ay kaagad siyang sumakay.

"Sa Symphony street lang po kuya." saad niya habang magkakabit ng seat belt ngunit napahinto siya ng makita ang driver. "Ikaw ulit kuya?!" tila asiwa niyang saad.

"Kayo na naman po ulit, ma'am."

Napabagsak balikat si Violet dahil hindi siya makapaniwalang yung taxi na nasakyan niya noon pauwi na gusto pabayaran sa kanya ang boundary ay siyang taxi na naman na nasakyan niya.

"Ay hindi! Ihinto mo na lang kuya! Bababa ako!" utos niya rito.

"Nako ma'am, nasa highway na tayo, hindi po pwede magbaba --"

"Bababa ako!"

Sapilitan ngang inihinto ng driver ang taxi niya at bumaba si Violet. Pabagsak niya muli itong sinarahan ng pinto.

"Tukmol na yun! Baka mamaya pabayaran naman sa akin ang bill ng kuryente nila o di kaya tuition ng anak niya! Pambihira!"

Pagmamaktol niya ulit at naglalakad pabalik ng terminal kung saan siya sumakay. Mabuti na lamang ay hindi pa siya gaano nakakalayo.

Nagpapara siya ulit ng taxi ngunit walang humihinto na naman sa kanya hanggang sa biglang bumuhos ang ulan kaya nanakbo siya papasok ng terminal.

Medyo nabasa siya kaya sumilong muna siya isang tindahan ng sari-sari store, may iilan ring taong naroon kagaya niyang nakikisilong.

Nakita niyang hindi masyadong maraming tao sa isang local coffee shop at naisipan niya kaagad pumunta doon kaysa makipagsiksikan sa tindahan.

Nang makapag-order ng kape at bite size cookies, naupo siya sa pinakadulo para hindi madaan-daanan ng mga tao. Kaagad niyang dinukot ang phone at nakita ang napakaraming texts at missed call ng manager niya, binura na niya kaagad iyon at hindi na binasa sabay blocked sa number nito.

Habang sumisimsim ng kape, nag-browse siya sa isang website at tumingin-tingin sa reviews at comment section.

Doon siya bilang napapangiti, pinipigil-pigilan pa niya iyon sa pagtakip ng bibig niya pero hindi niya makubli ang saya sa nababasa na tila kinikilig talaga.

Binabasa niya ngayon ang reviews sa site niya kung saan niya pino-post ang mga stories niya. Na-featured na sa isang e-book ito kaya mas naging kilala ang mga kwentong ginagawa niya.

Behind the PenWhere stories live. Discover now