Prologue

2 1 0
                                    

*KRIING KRIING!

"Ma'am? Kanina pa po tumutunog yung phone niyo. Baka boyfriend niyo po." sita pa ng taxi driver kay Violet na nakaupo sa back seat ng sasakyan at nakatulala habang nakatingin sa bintana.

Napasulyap naman ito sa driver bago dinukot ang tumutunog na phone sa bag. Ang totoo, labis lamang siyang pagod na sa trabaho dahil halos araw-araw siyang nagdadalawang oras mahigit na overtime, ngunit madalas dun ay walang bayad pa.

"Hello po, ma'am?"

(Vi! Kanina pa ko tumatawag, bakit ang tagal mong sumagot?!) bulyaw naman kaagad nito.

Napahilot naman muna ng sintido si Violet.

"Nasa bag ko po kasi phone ko ma'am. Hindi ko po narinig kaagad." walang buhay naman niyang palusot na lamang.

(Where are you?!)

"Pauwi na po ma'am."

(Saan ka nga to be exact?!)

Napasulyap naman si Violet sa bintana ng taxi na mabagal ang takbo dahil sa trapik.

"Guadalupe na po, ma'am."

(Guadalupe? Pero hindi ka pa nakakauwi di ba? Wala ka pa sa bahay niyo. Pwede ka pang bumalik dito sa hotel!)

"Po? Bakit po ma'am?"

(Nag-awol na naman si Angie eh! Bakit kasi nag-out ka na kaagad eh wala pa kapalitan mo!)

"Ma'am, two hours OT na nga po ako. Nagpaalam pa po ako sa inyo kanina bago umalis. Malapit na po ako sa bahay eh." napapakamot pa ito ng ulo sa inis.

(Pero wala ka pa sa bahay niyo, kaya bumalik ka na dito sa hotel! Take Angie's shift! Bumalik ka na! Now na!)

Napapatiim labi na lamang si Violet at kagat ng labi bilang pagtitimpi.

"O -- okay ma'am. Babalik na." walang gana na lang niyang sagot bago pinatay ang tawag.

Lumiyad siya sa may driver para makausap ito.

"Kuya? Pwede po bang pabalik ako doon sa hotel na pinanggalingan ko? Dadagdagan ko na lang po."

"Ay ma'am, lugi na ko nun." apila pa ng driver.

"Babayaran ko naman po yung metro ko plus may dagdag." pagpupumilit niya rito.

"Hindi kaya ma'am. Napakatrapik oh? Rush hour pa naman. Tapos pababalikin niyo ko?"

"Gusto mo bang pa-gas-an pa kita kuya?" naiinis na ring saad ni Violet.

"Kahit yung boundary ko na lang po, ma'am."

Huminto ang taxi sa kanto ng MRT station, madaling lumabas doon si Violet at padabog pang isinara ang pintuan ng taxi na sinakyan.

"Balikan ko lang -- bayaran ko dapat boundary mo today?! Hell no!" tila pagmamaktol pa nito habang naglalakad. "'Langyang yun! Tatlong libo rin yun noh! Kasalanan naman niya bakit kami babalik ng Makati eh pinasagot niya kaya sa akin yung tawag ng demonyita kong manager!!" halos bulyaw niya habang magisang naglalakad paakyat ng MRT Station.

Nang makarating muli sa hotel na pinagtatrabahuan, kaagad na nagbihis ng uniporme at nag-punch in si Violet ng DTR niya. Nagtungo na rin kaagad siya sa front desk kung saan isa siyang receptionist.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita pinababalik di ba?!" pinamewangan pa siya ng manager ng makita siya. "Ako pa talaga ang pinapwesto niyo rito, ang dami kong gawain pa sa opisina!"

Nagpatay malisya siya rito at dumiretso na sa tapat ng monitor para makapag-log in ng account niya.

"Sana pinabalik mo na lang kaagad yung taxi mo!"

Behind the PenWhere stories live. Discover now