Eh, kasalanan naman niya.

Tumango ako kahit hindi naman 'yon ang gusto kong isagot. Hindi ako okay, walang ayos sa nangyayari ngayon. Weird lahat. Yung setup, yung ambiance, yung presence niya rito...

Humakbang ulit siya ng isang beses. Iniumang niya ang magkabilang braso. "Halika?"

"H-huh?" Sobrang hirap ilabas ng boses ko, parang may holen na nakabara sa lalamunan. Tumikhim ako at lumunok. "Bakit?"

"Come here, Ella." She pursed her lips in a small smile.

Hindi ko sure kung anong iniisip niya, o ano man ang binabalak niya.

Wala akong nagawa kundi lumapit kahit hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. Parang bumabagal yung oras-o ako lang 'yon siguro.

Dinig na dinig ko yung tibok ng puso ko. Parang nasa tainga ko lang 'yon, bumubulong at nangungulit, pero hindi naman sinasabi yung gustong sabihin. Puro na lang kabog. Nakakabingi, nakakatuliro.

"So slow..."

Naglakad na siya palapit kaya natigilan ulit ako. Para akong timang na pinapanood siya hanggang sa tuluyan niyang hawakan ako sa braso.

"I met you halfway, didn't I?" Tumawa siya ng mahina na parang joke 'yon. Hindi ko lang alam khng saan part doon ang joke.

Marahan niya akong hinila hanggang sa magkadikit kaming dalawa. Gumapang ang isang kamay sa upper back ko habang ang isa naman ay pumalibot sa baywang ko. Para akong puno na nakatayo lang, walang galaw-galaw, akala mo hinipan ng masamang hangin.

Marahan niyang tinapik-tapik yung likuran ko. "There, there."

"A-anong ginagawa mo?" May nararamdaman ako na mabilis na tibok ng puso, pero parang hindi lang sa akin 'yon. Same ba kami? Bakit? Anong meron?

Humigpit yung yakap niya. Parang nagkaka-urge ako na yakapin siya pabalik kaso nahihiya ako na ewan. Parang ang kakaiba niya lang ngayon.

"Trying to comfort you," bulong niya sa tainga ko. Out of impulse ay naitago ko ang mukha sa bandang balikat niya. Bakit naman ang bango ni West? Nab-blangko ako na ganito kami kalapit. "I'm sorry."

"H-huh?"

"Am I frustrating you that much?" Tanong niya. Hindi ako makasagot. Iyon yung sinabi ko kanina. "Masyado bang magulo sa'yo lahat?"

Napahawak ako sa laylayan ng uniform niya. Hindi sadya na nahila ko 'yon. Hinaplos niya yung likuran ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit parang kumakalma ako sa ginagawa niya. Parang...nakaka-comfort nga.

Pwede pala 'yon.

"I'll take that as a yes." Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinitigan ako. Parang bigla naman akong na-conscious. Sure akong pawisan na ako dahil ang init, tirik na tirik ang araw pero siya, pawis nga pero parang okay lang naman. Nakakahiya sa itsura ko. "Galit ka ba sa akin?"

Napailing ako. Parang hindi ko yata kaya magalit sa kanya.

"Edi naiinis?"

"H-hindi rin." Nakakaloka ka, West, ano ginagawa mo? Ba't naman ganyan ka? Bakit ang lambing ng boses mo kahit nagtatanong ka lang? At bakit ganyan ka tumingin?

"Sigurado ka?"

"Hin-hindi ko lang ma-gets pinapakita mo."

"Didn't I tell you that I'm starting to like you recently?"

Parang mas nag-init ang buong mukha ko. "Pero, yung kay Val..."

Inayos niya ang buhok ko. "Ang init, nakalugay ka. May panali ka ba?"

Kahit walang connect ang tanong niya sa sinabi ko ay nilabas ko ang ponytail na nasa bulsa ko lang. Balak ko na sana i-pony ang hair ko pero bigla na lang niyang kinuha 'yon at pinatalikod ako. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Para akong pinanindigan ng balahibo habang inaayusan niya ako. Hinipan niya nang mahina yung batok ko, parang hinahanginan lang dahil mainit ang panahon. Ayoko man aminin pero presko sa pakiramdam ng ginawa niya kahit ilang segundo lang.

Humarap ako sa kanya pagkatapos. Ngumiti siya. "You look pretty."

Parang ayoko maniwala pero hindi naman siya yung tipo na magbibiro o mambobola. Sabi kasi ni Val mukha akong bilog kapag nakatali ang buhok dahil kitang-kita yung shape ng mukha ko. Kainis 'yon palibhasa v-shape sa kanya.

"Salamat," mahinang sabi ko.

"I never had the chance to ask you this," Inayos niya yung kwelyo ng uniform ko. Ang dami niyang gustong ayusin. Then I faintly heard her clicking her tongue. "Gusto ko lang malaman kung gusto mo ako."

"Huh? Teka," Ibinaba ko yung kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Pero binalik niya lang. "Wait nga. Nililigawan ka na ni Val—"

"But do you like me?"

"Pwedeng sagutin mo muna—"

"Don't dodge my question."

"Ikaw 'tong—"

"Ella Marie."

Inilapit niya bigla ang mukha sa akin. Sobrang lapit to the point na magkakapalitan na kami ng hininga. Nagwawala na ako deep inside, parang gusto kong sumigaw!

Wuy!

"I'm not asking you to hurt your friend. I just want to know if you feel the same about me."

Matagal bago ako nakakibo. Napaiwas ako ng tingin dahil ang lapit niya. Aatras sana ako pero nakahawak na siya sa braso ko. "P-pero parang parehas na rin 'yon kapag sumagot ako."

"Then you do like me."

"Wala pa naman akong—"

"Ayan na ang pinakamalapit na sagot na gusto ko." Ngumiti siya. "Let's keep it like that."

"Ang...gulo mo."

Kinagat niya ang ibabang labi bago nagpakawala ng mahinang tawa. "And you're weak under pressure. Valeen's right."

"H-huh?" Teka, anong meron kay Val?

"May time pa kumain, tara na?"

Tapos na ba kami mag-usap? Iyon na 'yon? Parang wala pa rin akong naintindihan.

Inayos niya yung buhok ko kahit nakatali naman na. Halos manlambot ang buong pagkatao ko nang halikan niya ako sa noo. Oh, my gosh!

Wait! Shit, anong—bakit may paghalik sa noo! Ramdam na ramdam ko yung lips niya sa noo ko. Sagrado na ba ang noo ko? Oh, my ghad!

"Kausapin natin si Val mamaya." Narinig kong sabi niya. "Mukhang mababasted na ang kaibigan natin."

"Teka, bakit?"

"Biro lang."

"Huh? Edi..." Parang may sumakit na naman sa akin. "Liligawan ka pa rin niya?"

"Is she, really?"

"H-huh?"

Sumasakit braincells ko.

_____

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon