Lio at Lira

32 4 0
                                    

LIO AT LIRA
(ONESHOT STORY)
WRITTEN BY AESA

Habang tinititigan ko siya ay may nagsasabi sa akin na siya nga ito.
Ilang hakbang lamang ang layo namin sa isa't isa.

Sa pagtitig na ibinibigay ko sa kanya'y sinusuklian niya. Hindi ako maaaring magkamali.

• • •

Hindi talaga maintindihan kung bakit lahat ng gusto natin palaging may hadlang.  Hindi ba maaaring umayon naman ang lahat kahit sa iisang pagkakataon lang?

Bakit kung sino pa'ng minahal ko, s'ya pa'ng hindi maaari?

Mahal ko si Lio, mahal na mahal. Ganoon rin s'ya sa akin, at ramdam ko iyon. Hindi siya nagmintis sa pagpapadama ng kanyang pagmamahal.

Mahal na mahal ko s'ya, at handa akong kalimutan ang lahat, makapiling lamang si Lio.

Pinahid ko ang luhang pumapatak mula sa mga mata ko gamit ang kaliwa kong kamay saka tiningnan iyon.

"Kahit ang tubig ay kaya kong talikuran, makasama lamang kita... Lio."

H'wag sana akong isumpa ng karagatan at ng ulan sa gagawin kong ito. Kailangan ko nang makita si Lio. Kung hindi pa ngayon ay hindi na kailanman.

Alam kong gagawin ng angkan ko ang lahat upang mapalayo kay Lio, dahil sa malaking galit ng mga angkan sa isa't isa. Maaaring ngayon pa lamang ay hinahanap na nila si Lio upang paslangin, ngunit hindi ako papayag. Mauuna akong makita si Lio bago pa nila s'ya mahuli. Alam ko rin poprotektahan siya ng angkan nilang mga apoy.

Papatunayan ko sa kanilang lahat, na ang tubig at apoy ay maaaring magsama...ikamatay ko man iyon.

Pilit ko itinutulak ang pintuan, ngunit hindi yata sapat ang lakas ko para sirain ang bakal na pintuan.

Hindi ito maaari.

Hindi ako papayag.

"Aaahhhhh!" Magaralgal ang boses kong sumigaw habang, pilit na binubuksan ang pinto gamit ang natitira kong kapangyarihan at lakas. Kahit maubos pa ang kapangyarihan ko ngayon, matungo ko lamang ang kinaruruonan niya.

Mawala na ang kapangyarihan ko, h'wag lamang siya.

"Aaaaaahhhh!" Ibinigay ko na ang pinakamalakas na puwersang natitira sa katawan ko.

Lalo kong ipinanlambot ang hindi pagbukas nito. Ngunit iyon na ang pinakamalakas na puwersang kaya kong ibigay.

Napaluhod na lamang ako at hinayaang tumulo ang luha sa sahig.

"Lio, nasaan ka na?" Iyan na lamang ang kaya kong sabihin.

Napatingala ako sa pintuan nang marahas itong bumukas.

"Mahal ko," sambit niya nang makita akong nakaluhod.

Agad akong tumayo at sinalubog ang nakabukas nitong mga braso. Doon sa braso niya ay humagulhol ako sa pangungulila sa kanya.

"Gusto kitang puntahan, ngunit ikinulong ako ng ama rito, h'wag lamang kitang mapuntahan. Hindi na raw dapat kitang makita sabi niya."

Tumingala ako upang silayan ang mukha niya. Doon ay nakita kong nangingilid na rin ang mga luha niya.

Napahawak siya sa dibdib niya na tila ba may kung anong sakit ang kanyang iniinda.

"Bakit, Lio? May masakit ba sa'yo? Naninikip ba ang dibdib mo?"

Umiling ito at ngumiti.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Hindi ko hahayaang paghiwalayin nila tayo ng tuluyan." Hinawi niya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang daliri niya.

Lio at Lira(oneshot)Where stories live. Discover now