Chapter Nine: into the tall grass

1.8K 179 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.









FINAL act? Ano’ng ibig sabihin ni Diablo sa final act?

Pag-iisipin na naman niya ako at hindi ako papayag na mababaliw ulit ako sa pag-iisip sa sinabi niya kaya mabilis akong tumayo at tinawag ang pangalan niya bago pa siya mailabas ng pulis sa silid na 'yon. “Larry!” Huminto siya pero hindi ako nilingon. “Anong ibig mong sabihin sa final act na sinabi mo?” Diretso kong tanong.

“Anong petsa na ba ngayon? Hmm? Ah… isang linggo na lang at fiesta na ng San Cristobal. Hindi ko nagawa noon ang aking final act bago sana ako huminto sa pagpatay dahil sa pagtraydor sa akin ng nanay mo, Olivia. Sayang dahil naisulat ko na iyon para alam ko ang aking gagawin… Pero sisiguraduhin kong ngayong darating na fiesta ay mangyayari iyon!”

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kaniya. Sinaklit ko siya sa isang braso at pilit na iniharap sa akin. “Anong final act?! Anong mangyayari sa fiesta ng San Cristobal?!” Malakas kong tanong.

“Bakit hindi mo na lang abangan?” Ngumisi siya.

“Sino ang kasabwat mo?! Sabihin mo! Sino?!” Tiningnan ko ang pulis. “Wala ka bang gagawin? Hindi niyo ba pipigain si Diablo para umamin? B-baka nakakalabas siya dito, sir! Ilang gabi nang may mga babaeng pinapatay na kagaya ng paraan ng pagpatay niya!” Naghihisterikal na ako dahil sa takot.

Alam ko, nararamdaman ko na sigurado si Diablo sa mga sinabi niya.

Tumawa nang mahina ang pulis. “Miss, bente-kwatro oras na may nagbabantay sa kaniya dito kaya imposible ang sinasabi mong nakakalabas siya. Isa pa, ipinagbabawal sa kaniya ang paggamit ng telepono o kahit na anong uri ng bagay para magkaroon siya ng communication sa labas kaya walang basehan na may inuutusan siya. Wala ring ibang dumadalaw sa kaniya dito kundi ikaw lang. Huwag kang masyadong naniniwala sa pinagsasabi niya dahil may sira ito sa utak. Kaya nga siya nandito, e!” Mahabang paliwanag ng pulis.

“Pero, sir—”

“Dalhin mo na ako sa kulungan ko. Gusto ko nang magpahinga.” Sa huling pagkakataon ay tinitigan ako ni Diablo sa aking mga mata. Makahulugan ang tingin na iyon.

Wala na akong nagawa pa nang maglakad na siya palayo kasama iyong pulis.

Anong gagawin ko?

Hindi pwedeng wala akong gawin at balewalain ang mga sinabi ni Diablo. Kailangan kong kumilos dahil baka pagsisihan ko ang lahat kapag wala akong ginawa sa kabila ng kaalaman ko na merong mangyayaring hindi maganda sa fiesta ng San Cristobal!

Pulis? Sa kanila ba ako lalapit agad?

Sa sitwasyon ko ngayon na wala akong matibay na ebidensiya na may gagawin nga si Diablo sa papalapit na fiesta ng San Cristobal ay hindi nila ako papaniwalaan. Baka pagtawanan pa nila ako.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon