Chapter One: get the party started

3.4K 231 35
                                    

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.










“GUYS, this is the exact spot kung saan pinatay ni Pedro Enriquez ang bunsong anak ng mag-asawang Castor. Dito mismo sa kinakatayuan ko. Ang creepy ng aura sa bahay na ito. Parang may naririnig akong umiiyak na hindi ko ma-explain! Seriously, nagtatayuan ang balahibo ko!” Hawak ko sa aking kanang kamay ang vlogging camera ko na Fujifilm X-10 habang nakatutok iyon sa akin. Medyo mabigat siya kaya nakakangalay pero tiis lang para sa content. May head strap ako sa aking ulo na may nakakabit na flashlight kasi sobrang dilim dito sa bahay na kinaroroonan ko.

I’m a Youtube vlogger with more than one million subscribers. Ang mga content ko? Gumagawa ako ng documentary about crimes. Nag-re-research ako about sa isang krimen at nagbibigay ako ng sarili kong opinion and investigation. Nag-iinterview din ako ng mga biktima, survivor ng crime, family nila at siyempre kapag may chance ay iyong kriminal mismo.

A lot of people are asking kung hindi ba ako natatakot sa ginagawa kong content at bakit hindi daw “girly” content ang gawin ko kagaya ng make-up tutorial, travel vlogs or maging lifestyle vlogger daw ako. Sayang daw ang ganda ko. Mas bagay daw sa akin na mag-artista. Natatawa na lang ako sa kanila. Mas marunong pa sila sa gusto ko, 'di ba?

Paano ba ako nagsimula sa ganitong vlog? First, nahilig ako sa panonood ng true crime documentary sa Netflix. Then, nag-start ako sa Youtube na nagbibigay ng review sa mga napapanood kong true crime docu. That time ay may regular job ako. Editor ako sa isang publishing company. Hanggang sa naisipan kong hindi na lang ang mga true crime docu ang gawan ko ng review or comment kundi ang mga totoong krimen dito sa Pilipinas. Nag-evolve pa ang content ko hanggang sa maging parang Imbestigador ng GMA-7 at SOCO ng ABS-CBN ang ginagawa ko. Of course, minus the reenactment. I can’t do that. Hindi ako actress.

Para makapag-concentrate ako sa Youtube channel ko ay nag-resign ako sa regular job ko. Galit na galit sa akin ang mother ko sa decision ko na iyon. To the point na hindi niya ako kinakausap. Sayang lang daw pagpapaaral ng lola ko sa akin. Kay lola kasi ako lumaki habang si mama ay nasa probinsiya. Nang mamatay si lola ay doon ko nalaman na nakasangla sa banko ang bahay na tinitirahan namin. I have no choice kundi umalis sa bahay ni lola at kumuha ng bahay kahit hulugan. Inubos ko ang savings ko sa pagbabayad ng bahay na hinuhulugan ko pa ang downpayment para makalipat na ako doon. Iyon na nga iyong bahay ko sa kabilang street. Sinipagan ko ang paggawa ng content at naging consistent sa every week upload.

In just one year ay hindi ko in-expect na dadami ang subscribers ko at views ng mga videos ko. Kumikita na rin ako ng malaki dahil sa vlogging. Natapos ko na ang pagbabayad sa bahay ko at akin na iyon. Meron na rin akong sariling sasakyan. Before, hindi ko naiisip na sa pagtuntong ko sa edad na twenty-seven ay magkakaroon na ako ng mga ganitong bagay.

Medyo okay na rin kami ng nanay ko. Nagbibigay ako sa kaniya ng pera every month. Though, nararamdaman ko pa rin na ayaw niya sa ginagawa ko lalo na sa klase ng content ko na ginagawa ko sa Youtube.

D I A B L O: Scent of a MurdererΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα