Chapter 26: Photos

Start from the beginning
                                    

"Yun lang pala ang ikinagalit akala ko naman kung ano. Loko talaga kayo. Hahaha!"

Tinapik ni Ashton si Kiko. "Hmm,yun ang inaakala mo." Nginisian niya ito at umiling na lamang. "Hindi mo sure." At dagdag pa nito kasabay ang nakakalokong ngiti. Halatang napaisip tuloy si Kiko sa sinabing iyon ni Ash. Bakas sa kanya ang pagkalito at napakamot pa sa kanyang sintido.

Naglaro kami ng halos isang oras. Ala singko na nang matapos kaming magpractice. Tinawag naman kami ni coach sa gilid ng court para sa isang short meeting.

"Oh mga first year. May meeting ang university board kanina, they decided to have the freshmen school trip on Saturday hanggang Lunes. Kaya naman ay magpahinga muna kayo ng Biyernes at wag na munang pumasok ng practice. For the sophomores, juniors, and seniors, ay maghanda na kayo dahil malapit na ang university meet. Wala pa silang nirelease na schedule pero better pa rin to prepare kung sakaling magkaroon na kayo ng laro within two weeks. The opening will be in held in another university next week Saturday. I trust that all of you will do your best. You understand team?"

"Yes coach!" sigaw naman ang lahat.

"Good! You're dismiss!"

"Thanks coach! Let's go SAU!"

Agad naming kinuha ang aming mga gamit at lumabas ng gym.

"Uyy Gio totoo ba yung balita?" si Ash.

"Ano na naman Ash? Bading ka na rin? Napakachismoso mo."

"N-na b-bumalik na si Kris." Naramdaman ko namang napatigil si Gio sa paglalakad.

"Yeah. I guess she's back." Walang emosyon niyang sagot.

Natahimik naman sila pagkatapos nun.

"Tingin ko nakita ko rin si Tamara kanina." Nagulat na lamang kami ng biglang magsalita si Kiko. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanila at hindi nila nakita ang reaksyon ko.

"Shh. Ang ingay mo." Rinig ko pang bulong ni Ash sa kanya. Nasa likuran ko lamang and dalawa. Tila ba iniiwasan nilang tanungin ako pero hindi rin mapakali ang mga tainga nila na may makuhang sagot.

"Oo nga. Ang ingay mo Kiko Crunch! Kung sa akin ay okay lang na i-itanong yung tungkol kay K-Kris. Wag na wag mo mabanggit si Tammy kapag andyan si Ely. Taboo yun kay Ely bro." malakas niya pang bulong dahil megaphone nga ang bunganga niya kaya rinig na rinig ko pa rin ang mga sinasabi niyang iyon.

"Nagugutom na naman ako bro." wika ni Gio habang hawak ang kanyang tiyan. Pilit na iniiba ang usapan.

"Tara kain tayo, treat mo!" natatawang sabi ni Ash. Mukhang nasasanay na sila sa mga panlilibre nitong si Gio.

"Loko, asa ka naman. Ikaw Ely babes?"

"I can't, may pupuntahan ako."

"Psh. Reasons." Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Alam kong sa simpleng mga sensyas ko sa kanya ay alam na niya ang ibig kong sabihin. May duty ako sa café. Inakbayan naman niya si Ash at Kiko,"T-tayo na nga lang. Wag pilitin ang ayaw."

Natatawa nalang akong napailing sa kanila.

"Hi Ely." Gulat akong napaatras nang bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Tamara!

"T-tammy.."

"Hi Tammy! Kamusta?!" Unang bumati si Kiko sa kanya na sinundan naman ni Ash. Tanging ngiti at tango lang ang iginanti ni Gio sa kanya.

"I'm good." Nginitian naman niya ang mga kaibigan ko at saka muling tumingin sakin.

"Bro, una na kami!" paalam ni Ash. Tinanguan ko naman sila at nakita ko naman na ngumisi ang mga loko maliban kay Gio.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now