Chapter Five

388 18 1
                                    

#TAU Chapter 5

Medyo nawindang ako sa narinig ko sa matandang humawak sa kamay ko. Oo nga’t nakakagulat na lang na biglang may humahawak ng kamay ko – I mean, what if may contact disease siya or whatnot – mas nakakagulat na alam niya ang buong totoong pangalan ko. At princess. Kailan pa ako nagging prinsesa? Ni wala nga akong kaharian, e!

“Hoy, Pandak!” Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng bwisit na mayabang na lalaking ito. Tiningnan ko siya nang masama pero walang kwenta kasi nakangisi siya na para bang may naiisip na kung ano.

Tae. Kung bakit ba naman kasi wala akong naisip na magandang excuse para hindi sumama sa milk tea galore na ito?

“Natutulala ka na diyan. Ang gwapo ko ba?”

‘Di lang pala tangkad ang nakuha ng mokong na ‘to nung magpaulan ang Diyos, e. Pati nung araw na kayabangan ang nakaschedule na ipapaulan, with arms wide open na tinanggap ng lalaking ito lahat, e. Tae, ang kapal ng mukha, e!

Umarte akong parang nahahangin at parang nabigla naman siya. “What’s wrong? Nahihilo ka ba?” Tanong niya sabay hawak sa braso ko.

Tumingin ako sa kanya. “Naramdaman mo ba?” Tanong ko.

“Ang alin?”

“Yung hangin? Ang lakas, e.” Sagot ko. “May bagyo ata, e. Jaycee ‘yung pangalan. Grabe, walang-wala raw si Yolanda, e.” Ngumisi ako at saka naglakad papuntang counter kung nasaan ‘yung ibang kaibigan ko.

Halos mapasigaw ako sa sobrang saya kasi wala siyang naisagot sa banat ko sa kanya. Ang yabang kasi. Nakakairita. Kainis!

Nakita ko namang tumatawa sina Krystal sa amin ni Jaycee at halatang enjoy na enjoy silang makita kaming nagbabangayan ng Mr. Yabangero na ‘yun. Kung bakit ba kasi kasama pa nila siya? Bakit kasi kaibigan pa nila siya?

Ako tuloy ‘yung naghihirap.

“Ang harsh niyong dalawa ni Jaycee sa isa’t isa.” Sabi ni Krystal.

Harsh talaga!

“Hinay-hinay lang. Baka magkatuluyan kayo niyan!” Masasapak ko din talaga ‘tong Carl na ‘to. Ang kulit, parang kapatid niya, e. Ganyan ba talaga ang lahi nila?

Nagtawanan naman silang lahat nang naglakad si Jaycee palapit sa amin na nakasimangot. O, ano ka ngayon?

He looked at me and glared. Alam ko namang nagkakainisan kami talaga pero a glare? Parang nang-iinis talaga ‘to, e. I glared back. Who is he to just glare at me like that, anyway?

“Chill lang, guys. May mga nagkakatuluyan sa mga irapang ganyan.” Lecheng Carl at ayaw talaga niyang tumigil.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga taong ipinanganak na makulit at may mga taong in-born na ang pagiging mayabang. Hindi ba sila pinapagalitan ng mga magulang nila kapag nagmamakulit o nagyayabang sila?

O baka naman kahit pagalitan, sige lang ng sige ang peg ng mga taong ito.

“O siya, ano nga flavor nung iyo, Paige?” Tanong ni Ayesha.

Tumingin ako sa menu at nag-isip kung anong pipiliin ko. “Winter melon.” Minsan hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. Bakit pa ba ako namili, e, Winter melon lang din naman pala ang bagsak ko? Hay nako. Minsan makulit rin ako, e.

“Okay na, guys?” Tanong ni Krystal. “Can we, girls, just order now while you, boys, look for a huge table for all of us?”

Wala namang nakapalag kay Krystal. E, ano pa ba? Nag-i-English na siya, e.

Tierras Altas UniversityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt