Chapter 10

20 0 0
                                    

Chapter 10

"Hala, sorry talaga, ah. Napagkamalan ka pa naming masamang loob," sinserong sambit ni Sha.

"No, no, it's okay. It's my fault, too. I didn't know that this is not the apartment that I will live in. I apologize for the trouble that I caused." At ngumiti pa ito, ngiting humihingi ng dispensa sa ginawa.

Grace snapped. "Ano ka ba, past na 'yon, ang mahalaga ang present. So, what's your name?"

Halos wala nang makitang itim sa mata ko sa ginawa kong pag-irap. Wow, ah. Parang kanina lang gustong-gusto pa nilang ipareport ang taong 'to, pero tingnan mo nga naman, nagagawa pa nilang ngumiti at kalimutan ang nangyari. May nalalaman mang past-past, e, kung sila ang ipastpast ko para makita nila. May nalalaman pang 'What's your name' ang gaga.

Kinurot naman ako ni Sha. "Gago, masakit!" Napangiwi pa ako sa sobrang sakit. Grabe mangurot, matatanggal ang balat ko!

"Ang g'wapo, pare," bulong ni Sha.

I rolled my eyes, again. "Oh, ano naman ngayon kung g'wapo, parang kanina lang gusto niyo na siyang ipareport sa pulis. Anong nangyari, aber?" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig no'ng lalaki baka sakaling may maintindihan siya sa sinasabi ko.

Napapikit naman ako ng mariin nang hampasin nila ako sa binti ko. Magrereklamo na sana ako sa sobrang sakit nang biglang nagsalita ang lalaki kaya napatahimik ako.

"Winter. Winter Axel Lemaire. But you can call me Winter." Then he sweetly smiled as sugar or something like, more than sugar. Those smiled is so sweet.

At doon, biglang tumawa ng sobrang lakas ang dalawa na akala mo may nakakatawa sa pagpapakilala ng pangalan.

Then, tumikhim si Grace. "So, Winter, do you understand our language?" Tanong nito.

He nods. "Yes, of course! My mother was a Pinay, and my father is American, so technically, I'm Fil-Am."

Naramdaman ko na namang kinurot ako ni Grace saka bumulong.

"Gagi, p'wede nang magpalahi." At sinabayan pa ng tawa.

Lumapit ako sa tainga nito at bumulong, "Alam mo, tangina ka, ang sarap mong ipakain sa buhay na dinosaur," madiin na pagkakasabi ko.

"Sorry ka, wala nang buhay na dinosaur." Binigyan niya lamang ako ng ngiti saka binaling ang tingin sa lalaki—kay Winter.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak nitong dalawang 'to.

Napatingin naman ako sa lalaki—Winter na mukhang nahihiya dahil sa dalawa. Ito namang dalawa akala mo sobrang close nila kahit na kakakilala lang nila kanina lang. Wagas kung makipagchismisan. Walang hiya-hiya. Napailing na lang ako saka tumayo upang magtimpla ng juice. Mabuti na lang talaga hindi lang alak ang binili nila.

Mukhang nakalimutan na nung dalawa ang plano nila na magmovie marathon dahil may dumating. Hindi rin naman ako napansin nung dalawa na umalis sa tabi nila, pero mukhang napansin naman ako nung Winter at hindi ko na lang ito pinansin saka nagpunta sa kusina upang magtimpla ng juice.

Habang nagtitimpla ng juice ay pasimple akong tumingin sa direksyon nila. Busy pa rin sila chismisan at mukhang tanong sila ng tanong dito.

"Pero infairness, may itsura siya," I whispered.

But then, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahilan upang mapatigil ako sa paghahalo.

What was that? I did compliment that guy, but why in the world is my heart pounding fast? Sunod-sunod akong napailing sa kadahilanang kung ano-ano ang pumasok sa isip ko.

Winter (Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon