CHAPTER 1

16.9K 262 57
                                    

"I'm sorry kung hindi kita ma-isasabay ngayon may kailangan lang talaga akong puntahan." sabi ng kapatid ko habang nasa loob ng sasakyan.


Ngumiti akong tumango sa kaniya. "I understand, take care." sabi ko saka mabilis na tumalikod.


Ngayon na nasa fourth year college na ako, napag-isipan nila daddy na dapat mag karoon ako ng sariling sasakyan. Since I was 18 I always wanted to have a car pero ayaw nila dahil wala silang tiwala. Seventeen palang si Vika niregaluhan na siya nila mommy ng sariling sasakyan.


Madalas akong sumasabay kay Vika, hindi kasi kami nakakapag-usap kapag nasa bahay kaya ang iba ay ina-akalang wala akong kapatid o hindi kami magkakilala. Hindi naman siya 'yung taong sobrang madaldal kaya naiintindihan ko. Kapag nasa kotse kami nakaka-usap ko siya kahit sandali lang kaya gusto kong palaging sumasabay dito.


"Rhia! Rhia!" kakatapos lang ng second class namin. "Hinahanap ni Proffesor 'yung name ng mga student na nag-pasa para sa 3rd picture activity hindi ko nakita 'yung name mo. Nakapag-pasa ka ba?"


Bigla akong napa-hawak sa ulo. "I forgot. Madami kasi akong ginawa last week baka puwede naman pagtakpan mo muna ako? promise bukas ipapasa ko yung picture." 


She sighed. "May magagawa paba ako?" 


Ngumiti ako saka niyakap ang president namin. "Thank you! Thank you! sana next week presidente ka na ng Pilipinas."


"Hay ewan ko sayo." umirap siya. "Basta hihintayin ko bukas ang ipapasa mo kundi bagsak ka, understand?" 


Nagulat naman ako sa pananakot niya sakin. "Yes, president."


Nag-lalakad ako papunta sa locker. Kinuha ko ang camera ko doon, bago pa 'yun malowbat kailangan kong magawa ang pinangako ko kundi babagsak ako, ayaw ko pa naman na nagkakaroon ng zero scores. Sports ang theme ng project na 'to. 


Halos kumpeto ang sport dito sa McMaster kaya hindi ako mahihirapan kumuha ng mga litrato. Nag-lalakad ako sa field at nanonood sa mga players na nag-tatakabuan sa loob ng Oval. Naka-sabit sa leeg ko ang camera.


Huminto ako at kumuha ng magandang angulo. Kailangan ko pa atang dumapa para lang makuhanan sila ng maayos, puro sila lalaki kaya ayaw kong kumausap sa kanila. Okay na ako dito, kailangan lang nilang tumakbo nang medyo mabagal para naman maayos ang mukha nila dito sa picture.


Lumuhod ako sa maliit na damo. "I'm not in the mood to do this.." napapa-iling ako habang binibisita ang mga larawan na nakuhanan ko. "Okay..one more."


Pumikit ang isang mata ko at muling sinubukang kumuha ng malilinis na larawan. Maganda sana ang field kung wala ang mga boys na nag-tatakbuhan at nag-haharutan. Pampagulo lang sila sa ginagawa ko. Hindi ba pwedeng mag-adjust muna sila dahil kailangan kong matapos ang bagay na 'to mas importante pa sa mga practice nila.


"Stand up, dudumi ang tuhod mo." napa-lingon ako ng marinig ang pamilyar na boses.


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon