MiChaeng - Date

21 1 0
                                    

Mina dali! Late na tayo!

Sigaw ni sana

Oo tapos na

Sagot ni mina at lumabas na ng kwarto

Kanina pa sila dun

Sambit ni sana

Nagpaganda lang para kay chae, ano ba.

Sagot ni mina habang nakangiti

Ngiting hindi mo maintindihan

Ready kana ba???

Tumango si mina at ngumiti ulit

Tara na, tara na, inaantay na ako ni chae.

Sinimulan na ni sana ang pagmamaneho

Andito na tayo

Sambit ni sana

Dito?

Pagtatakang tanong ni mina

Tumango naman si sana

Bakit pa tayo nagkotse eh sa kabilang kanto lang to Sana?

Tumawa lang si sana at inaya ng pumasok si mina

Sinimulan na ni mina ang paglakad

At sa bawat pag hakbang nya

Bumibigat nang bumibigat ang nararamdaman nya

Kalma mina, handa kana para dito.

Sambit nya sa sarili nya

Nawala ang kanyang mga ngiti at hindi na napigilan ang kanyang luha

Habang papalapit sya sa kanyang minamahal lalong bumibigat ang mga hakbang

Baby, chaeyoung ko, napakaganda mo naman mahal ko.

Mga salitang nasambit nya nang makita ang taong mahal nya

Bagay pala sayo yang binili nating damit baby.

Patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mata

Ang sabi mo, isusuot mo yan pag nagdate tayo. Pero bakit..

Hindi na napigilan ni mina ang paghagulgol

Bakit mo naman pinag tulog yan baby?

At bakit dyan ka natutulog?

Ang laki po ng kama natin

B-bat dyan mo pa piniling matulog..

Niyakap ni mina ang kabaong ng mahal nya at patuloy na umiiyak

Sabi ko chae handa na ako dito eh

Bakit ang sakit pala?

Chae bangon na dyan oh

Wag mo naman akong saktan sa gantong paraan

Matatanggap ko pa na magmamamahal ka ng iba pero sa ganito, hindi

Pero naiintindihan ko baby..

Alam kong lumaban ka.

Alam kong pinilit mo.

Alam kong tiniis mo ang sakit para lang makasama at hindi kami iwan.

Siguro oras mo na para magpahinga,

Masyado kang pinagod ng
mundo,

Masyado kang pinahirapan.

Restwell chaeng chaeng ko.

Mahal kita ng sobra.

||Twice Oneshots||Where stories live. Discover now