#drayden34

498 33 3
                                    

[Messages]
Today 6:03 AM

Mom:
Nak nasan ka?
Akala ko pumasok ka sa school pero hindi pa tapos suspension mo diba?
Kagigising ko lang. Pagtingin ko sa kwarto mo wala ka.

Dray:
Nagba-bike lang po ako. Uwi rin ako agad.

Mom:
O sige. Magluluto na ako ng almusal.

Nga pala, tinext ako kahapon ni Honeybelle. Sabi niya may girlfriend ka raw?

Dray:
Huh?
Wala po.
And why do you even have her number?

Mom:
Kinuha niya number ko. Minsan kasi nagtatanong siya ng tungkol sayo.

Oh eh ano nga. Bakit nasabi ni Honeybelle na may girlfriend ka na? May nakita raw siyang post mo kasama ng isang babae. Eh alam mo namang wala akong facebook kaya paano ko makikita. Bakit hindi mo ipinakikilala samin?

Dray:
Wala nga po, 'my.
Baka si Daine yung tinutukoy niya. Nag-upload ako ng picture namin sa facebook nung nakaraan.

Akala niya siguro girlfriend ko.

Mom:
Ah. Si Daine lang pala. O sige, sasabihin ko kay Honeybelle na best friend mo lang yon para ma-assure sya.

Dray:
Why do you even have to assure her, mom?
She's not your responsibility. Hayaan mo siya.

Mom:
Sus. Ikaw naman.
Kawawa naman yon at mukhang gustong-gusto ka.
Bakit hindi mo ligawan?

Dray:
Hindi ko po siya gusto.

Mom:
Eh sino bang gusto mo? Ipakilala mo na samin.

Dray:
Wala pa po.

Mom:
Wala pa rin? Binata ka na, Dray. Normal lang namang mag-girlfriend na sa ganyang edad at hindi naman kami magagalit.
Tsaka ang dami-daming magagandang babae dyan sa school nyo ah? Guwapo ka naman kaya hindi ka na mahihirapang mamili ng babae.

Dray:
Mommy, hindi naman po ako nagmamadaling magka-girlfriend. Tsaka I'm just 17. I have all the time in the world.

Sige na po. Magdya-jogging pa ako.

Come Out, DraydenKde žijí příběhy. Začni objevovat