[Rainbow Mate 🌈]
Today 9:16 PMmonkeytac17:
Hi, Clay! 😁
Busy ka?Clay_31:
Uy hi, Allen!!!
Hindi naman hahaha
Sup?monkeytac17:
Kauuwi ko lang galing sa kung saan hahaha!
May gusto sana akong ikuwento 😁
Pero kung busy ka, okay lang. Next time ko na lang ikukuwento.Clay_31:
I'm not busy. I'm just eating a gallon of ice cream while watching a corny TV show 😂monkeytac17:
Wow. Pahingi namang ice cream hahahaha sana allClay_31:
Kapag nagkita na tayo ililibre kitang ice cream, promise!
So ano nang kuwento mo? Come on, what's the tea?monkeytac17:
HAHAHAHAHAAHA
Anyway, diba naikuwento ko sayo na gusto na ng parents ko na magka-girlfriend ako?Clay_31:
Uh-huh?
Yeah, and you feel pressured pa nga sabi mo.monkeytac17:
Yup. They actually introduced a girl to me.
Maganda naman tsaka mabait. Nakasama ko na rin at sobrang saya kausap. Pero wala eh, I'm really gay hahahahahClay_31:
Hahahah did you tell her that already?monkeytac17:
Syempre hindi pa. Baka makarating pa kina mommy. Syempre gusto ko na magka-come out ako nang kusa at kung kailan ready na ako.Anyway, this girl kissed me earlier.
Clay_31:
Uy gagi hahahahaha
No shit?monkeytac17:
Oo hahahahah
Medyo nakakainis dahil siya first kiss ko. Syempre gusto ko na yung first kiss ko, sa taong gusto ko talagaClay_31:
Ikr! Oh e ano sabi mo nung hinalikan ka? Anong nangyari after?monkeytac17:
Medyo lasing kasi siya. Panay kasi inom ng wine kanina. Nag-uusap kami about school hanggang sa mapunta sa love life niya. Kinukwento niya sakin na ilang beses na raw siyang nasaktan, ganito ganyan hahahaha!Syempre ako, nakikinig lang tapos side comment nang kaunti. Meron akong nasabi na advice na parang na-touch siya na ewan. Tapos ayun, bigla akong hinalikan 😂
Clay_31:
HAHAHAHAHAHA kainis! Ang rupok ni girl 😂
Bakit bigla-biglang nanghahalik? Hahahha!monkeytac17:
Kaya nga. Medyo na-badtrip ako. Pero syempre, hindi ko pinahalata dahil ayaw ko namang ma-offend sya. Umatras lang ako tapos kunwari natatawa ganon. Pero sa loob-loob ko, naiinis na ako 😂Tinanong pa niya kung may nililigawan daw ba ako ngayon. Sabi ko wala.
Clay_31:
Dapat sinabi mo meron! Para magtigil na syang malandutay siya. Char!monkeytac17:
Gusto ko nga sanang sabihin na meron pero baka makarating kina mommy. Mas lalo lang akong mape-pressure kung kukulitin nila akong ipakikilala yung nililigawan ko hhahaha.Sabi pa niya sana raw lumabas kami ulit. Gusto raw niya ako ulit makita. Ewan ko, parang may gusto na yata sa akin bigla 😂
Clay_31:
Kaya siya nasasaktan eh 😂 Ang rupok hahahahmonkeytac17:
Hindi ko naman masabi na wala akong interes manligaw ng babae dahil nga bakla ako. Sabi ko na lang busy ako sa school hahahahClay_31:
Hanap na lang siya kamo ng iba kasi lalaki rin hanap mo hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/258724773-288-k322254.jpg)
YOU ARE READING
Come Out, Drayden
Teen FictionDrayden Escanilla, a popular grade 12 student. A typical heartthrob teen who seems lost and confused with everything that's happening in his life. With all the fame and admiration from everyone in their school, he still feels lost and empty most of...