I

43 29 45
                                    

Hindi ko alam kung pa’no magsisimula. Hindi ko alam kung pa’no ko ikekwento ang lahat. Pero nagsimula ang lahat ng ‘to noong simula ng junior high school opening.

***

“Hala,gaga mas pogi ‘yon!”

“Hindi! Bobo ka ba? Mas pogi ‘yon. Tingnan mo naman, jusko, mamamia!”

Ganito ang sistema sa unang araw ng JHS opening. Hindi ko alam kung anong tawag sa ganito dahil nakalimutan ko na. Basta ang hindi ko makakalimutan, ang araw kung saan nakita ko ang una’t huling taong gugustuhin ko. Na sa kabila ng sobrang daming lalaking magiging crush ko sa future, alam kong siya lang yung magiging consistent na gusto ko. Kumbaga, hindi siya mawawala sa crush list ko.

“Hala siya. Si Pia nyo may type na yata!” Hindi ko na napansin ang paglapit ng tatlo sa mga kaklase kong babae. Dumako ang tingin ko sa first floor kung nasaan siya.

“Gusto mo bang malaman pangalan niya?” Kumindat kindat pa ang mga mokong.

“Ayoko. Sino namang may sabing type ko ‘yan?”

Hindi ko naman talaga siya type. Medyo fluffy yung pisngi niya tapos medyo may kaputian pero ang tipo ko yung mga matatangkad na payat.

Umiling iling nalang ako saka tumalikod sa mga kaklase ko at maglalakad na sana paalis pero bigla nila akong pinaghihila. At dahil malapit lang kami sa hagdan ay madali nila kong naitulak papunta ‘don.

“PAG AKO NAMATAY P*TANGINA HUMANDA TALAGA KAYO—hoy mga gaga, anyare naman sainyo?”

Nagsalubong lang ang mga kilay ko nang makitang nakatingin sila sa ibaba ng hagdan.

“HALA GURL, NASA BABA NG HAGDAN YUNG TYPE MO! ITUTULAK KA NAMIN PAIBABA TAPOS PAG GUMULONG KA PAPUNTA SA KANYA SABIHIN MO PWEDE MO BA ‘KONG KARGAHIN, MESHEKET KASI LIKOD KO HEHEHEHE. GANON GURL! KAMI BAHALA SAYO!”

Si Catherine, isa sa mga kaklase ko ay sobrang supportive sakin kahit na hindi ko kilala at hindi ko gusto ang lalaking ‘yon.

“Ayoko nga putragis naman.”

Attention students! Please gather at the quadrangle area right now for we are about to start our program.”

Pumunta naman kami agad-agad sa quadrangle para makahanap ng magandang pwesto. Mahirap na, garapal pa naman mga estudyante dito sa school kahit mga newbie palang kaming mga nandito.

Nang magsimula ang program, hindi ko alam kung bakit palinga linga ako. Ni hindi ko nga alam kung may hinahanap ba ako o ano. Ang alam ko lang, napatitig ako sa kanya. OO SA KANYA! SA LALAKING SINISHIP SAKIN NG MGA BABAENG KAKLASE KO!

Nakasuot siya ng plain white v-neck shirt at black pants. May hawak din siyang maroon na tela sa kaliwang kamay at isang relo naman sa kabila. Nakikipagtawanan ito sa mga kaklase niya. Ngayon ko lang nakita ng maayos yung mukha niya. Katamtaman ang hubog ng mga mata, matangos ang ilong at mapula pula ang mga labi isama mo na ang kutis niyang mas maganda pa sa kutis ko.

“Ampogi ‘no? Ang arte mo kase. Ako na nga lang magkacrush dyan.” Tiningnan ko ng masama si Catherine saka tumingin ulit sa lalaki.

“Sinong may sabing ‘di ko ‘yon type?! Type ko kaya. Crush ko nga e.”

Napangiti nalang ako nang dumako ang tingin niya sa pwesto ko. Alam ko namang parte lang ako ng background na nakikita niya pero simula nung araw na ‘yon, isa na siya sa mga lagi kong inaabangan pag lalabas ako ng room.

Hanggang sa isang araw, tandang tandang ko pa ang araw na ‘yon. Ang araw kung saan una kaming nag-usap...

This day is the day I finally found my special someone. And this day, I totally gave my heart to him.

Hey Crush (Completed)Where stories live. Discover now