"Brix! Ano ba?! You can't do this to me!" Sigaw ni Fatima sa kanya pero hindi na nya ito pinansin pa at tinungo na lang nya kung saan nakaparada ang sasakyan nya.

Napahinto sya ng makita si Dean na inaantay sya sa labas ng kotse nya. "Buti naman at hindi ka nagpauto sa babaeng yun." Anito sa kanya.

"Wag mo nang dagdagan pa ang init ng ulo ko," giit nya at mabilis na sumakay sa kotse nya.

Napalingon naman sya sa kapatid nyang nasalabas na hindi sumunod sa loob ng kotse nya. " Ano sasama ka ba?" Tanong nya.

Agad naman itong tumalima at sumakay sa front seat katabi nya. Pagkasara palang ng kotse pintuan ni Dean ay mabilis na nyang pinaharurot ang kotse nya papunta sa lugar kung saan maglalabas sya ng sama ng loob. Hindi man lang nag-salita si Dean sa bilis nyang magpatakbo ng sasakyan. Hindi sya nito sinuway na baka mahuli sila o kung mapaano sila.

Nakarating silang magkapatid sa bar na lagi nilang pinagtatambayan ng mga kaibigan nila tuwing mag iinuman at may kasiyahan sila. Mabilis syang bumaba ng sasakyan at ihinagis sa isang guard ang susi ng kotse nya pars ito ang mag parada sa parking-lot ng bar.

Tinungo agad nila ang VIP Room na lagi nilang inuukupa at mabilis na naupo. Si Dean naman ang kumuha ng mga iinumin nila at walang ilang minuto ay dala na ng kapatid nya ang isang bucket ng beer at inilapag ito sa center table.

Kumuha agad sya ng isa at tinungga ito kahit wala pang laman ang tiyan nya. Nang ibaba nya ang bote ng alak na tinungga nya ay nagtama ang mata nilang magkapatid. Napakunot ang noo nya dahil hindi man lang nito inalis ang tingin nito sa kanya.

"What?" He ask it nowhere.

"Para kang tanga," usal nito na ikinataka nya.

"Huh? Ako? Tanga?" He pardon.

"Hindi yung boteng hawak mo, sino pa bang sasabihan ko ng Tanga e, ikaw lang naman ang nandito." Dean reply in sarcasm.

Napailing na lang sya at umunom ulit ng alak sa hawak na bote nya. Alam na nya kase na manenermon na naman ang nakatatandang kapatid kaya inihahanda nya na ang tenga nya sa mga sasabihin nito.

"E di tanga na ako,"

"Buti naman inamin mo," si Dean.

"Haist! Alam kong manenermon ka na naman kaya simulan mo na," giit nya dito.

"E bakit kaba kase nag walkout? " Tanong nito sa kanya.

"Ikaw kayang pag sinungalingan matutuwa ka?" Balik na tanong nya sa kapatid.

"Hindi, pero sana naman give Zhairhelle a benefit of the doubt. Baka naman kase may rason kung bakit nila nagawa yun. Alam mo ba kung anong rason nya?" Anito sa kanya na ikinailing nya ng bahagya.

"See? Ang OA mo kase, maka-react ka kanina akala mo tinaguan ka ng anak ng mahabang panahon." Dagdag pa ni Dean sa kanya.

Napaisip naman sya sa sinabi ng kapatid nya at alam nya maski sa sarili nya na may punto ito sa mga sinabi nito. Napalingon sya ng tumunog ang Cellphone ni Dean at parang may nag text dito.

"Haist! Tignan mo umiiyak ngayon si Zhairhelle dahil sayo, haist! " Tumingin itong muli sa kanya matapos basahin ang text sa Cellphone nito.

"So ano ng balak mo? Tinatanong nila kung nasaan daw tayo, gusto kang makusap ni Zhairhelle. Tignan mo. Mas nag mumukhang babae ka kaysa kay Zhairhelle, alakas mo din mag pasuyo e, ikaw nga itong lalake." Sermon na naman ni Dean sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POSITION 2: Brix EugenioWhere stories live. Discover now