CHAPTER ONE

45 8 2
                                    

"Okay class, for our activity, you have to find a partner. You have to make a eulogy, write it in a caupon bond, and make sure to put your creativity in it. The most creative one will be represented in creative writing competition next month."

Katulad sa palagi kong nararanasan naiwan nanaman akong mag-isa. Walang pumili sakin na maka-pair sila. So kailangan ko ito gawin ng mag-isa.

It's tiring. Yung ginagawa mo naman lahat, pero parang ang hirap para sa iba na piliin ka. Nakakapagod pero wala kang magawa kundi ang magmukmok na lang sa isang tabi.

"Okay class, lahat ba ay may napili ng partner?"

"Miss, si Ashianna po wala pa!"

Anika said. She was a close friend of mine. She didn't choose me kasi may best friend sya at natural lang na pipiliin nya ito.

"Oh, no worries. Absent si Mr. Dela Vega. Sya na lang ang partner mo. Kindly explain him the mechanics pagpasok nya okay?"

In my mind, hinding hindi ako papayag na makapartner sya. Pero dahil wala naman akong choice hindi na ako tumanggi pa.

"Okay, Miss"

Natapos ang klase namin sa creative writing and literature, ito ang pang huling subject namin para sa araw na ito.

Katulad ng nakasanayan ko na, lalabas na sana ako sa gate ng school namin ng harangin ako ni Mira at ang mga alipores nito. Isa syang mayamang bratinella na anak ng Mayor sa bayan na ito.

"Oops wait." 

Tsk. Heto nanaman sya. Ano nanaman kayang kailangan ng babaeng ito. Nakakasawa na makipag sagutan sa kanya dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi nya at wala rin syang sense kausap.

"Bakit?"

"Hoy Solidad. Huwag na huwag mong makalimutan na hindi ka naman talaga belong sa school na to, ewan ko ba kung bakit nakapasa ka bilang scholar eh hindi ka naman matalino. Anyway, ipapa-alala ko lang sayo na sa akin si Dexter. Kaya itatak mo dyan sa utak mo na ang gagawin ninyo ay para lang sa activity!"

"Oh tapos?"  Nilagpasan ko sya at ang mga alipores nya dahil wala akong panahon makipag-usap sa  katulad nyang hugis munggo ang utak.

I've grown to this place, pleasing people. Palagi na lang na ako ang kailangan mag-adjust para sa kanila but I also know that I can't please everyone just like this girl.

Bantay sarado nya yung tao, akala mo naman may pakialam sa kanya. Nakita ko nga last week sa kabilang section nakikipag landian sa Grade 12 student. Kaya ayoko syang maka-pair dahil isa syang maangas na estudyante na feeling gwapo.

"Solidad! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos mag-usap!"

Naririnig kong sigaw nya ngunit nagdere-deretso na ako. Pumara ako ng tricycle para magpahatid na sa aming bahay.

"Wala na tayong bigas, dumating na ang bills ng kuryente at tubig tapos sasabihin mo sa akin na kumalma?! Ano ba namang klaseng sagot yan! May mas kasumpa-sumpa pa ba sa buhay na ito! Puro ka kasi musika! Pautanginang musika yan!

Nasa tapat pa lang ako ng bahay namin ay naririnig ko na ang boses ng Nanay ko. Nagmamadali akong pumasok sa loob upang awatin sila.

"Nay, tama na po! Susubukan ko po na mag advance kay Aleng Nena. Para may maitulong po. Naririnig po tayo sa labas at nakakahiya sa kapitbahay."

Apat kami na magkakapatid at ako ang panganay. Ang tatay ko ay isang musikero. Tumutugtog sya sa mga fiesta, kasal, at kapag may patay. Sa totoo lang para sa isang taong may pamilya at may apat na anak na nag-aaral ay talagang kulang ang kinikita nya lalo pa at ang nanay ko ay sa bahay lang dahil ayaw syang pagtrabahuhin ni Tatay.

Finding My SolaceWhere stories live. Discover now