Baka Sakali

59 0 0
                                    

Bakit inaasahang ika'y dadamay?

Na sa kalungkutang aking binabaybay

Dadating ka't biglang aagapay

Sa pag-iisa'y ilalahad ang 'yong kamay

Sa bawat luha'y ikaw ang papalis

At sa aking tabi ika'y 'di aalis

Umasa ako ...

Na sana kahit papaano ako din sayo'y may halaga

Nabigo ako...

Mali pala talaga ang humangad ng pag-aalaga,

Hindi yata makatwirang umibig at umasam pabalik

Sa pagsukli ng atensyon mo ako'y 'di dapat nanabik

Hindi na sana ako, nag baka sakali pa





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULALA  -  (A Poetry Compilations - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon