Tula Talumpu't isa

31 1 0
                                    

Minsan naiisip ko

Kung sasapat ba ang isang taon

Para sa isang daang tula

Kung posible ang bawat tugma

Mauulit kaya ang bawat salita,

Kung iisa lang ang paksa?

Marahil ay hindi na ito mahalaga

Para sa isang manunulat

Na patuloy na sumusulat

Pagkat tayo ay malaya

Kung sa ganitong kaparaanan

Kaganapan ng kalayaan

Ay tunay na makakamtan

Bakit pakakahon,

Sa sariling imahinasyon?

Kung pwedeng isalin ang emosyon

Sa bawat pantig

Na katumbas ay pintig

TULALA  -  (A Poetry Compilations - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon