Tula Tatlumpu: Gunita

64 1 0
                                    

Labinlima nang muling magtagpo
Pagbabago ay hindi maitatago
Nagkalayo man ng mahabang panahon,
Magwalay man ng ilang ulit,
Ika'y hanap pa din ng paulit-ulit

Dito sa puso ikaw pa din ang nais
Kahit sa malayo ay handang magtiis
Basta't masilayan ka galak ko ay labis
Kahit madalas ngiti mo'y laan sa iba
At sa puso mo hangad ay karikitan niya

Ako'y tatanaw mula sa malayo
Magtatago at lalakad papalayo
Hahayaan kitang maglakbay
At nawa kapag ika'y tapos na
Sa akin ka na dalhin ng tadhana

Patuloy akong magdadasal kay Bathala
Na sana sa paghahanap mo,
Sa wakas ako'y matagpuan mo
Pagkat ako'y naghihintay
Kahit sakit ay lumalatay

Dalwampu't isa at sa susunod na mga petsa
Tayo'y tumatanda
Kailan magiging handa?
Para sa isat't-isa ako'y nananalig
Na sa huli'y tayo'y mananaig

Sa ika-tatlumpung tula
Ikaw pa din ang paksa
Dala pa din ang pag-asa
At damdaming rumaragasa
Para sa pag-ibig na umaasa

TULALA  -  (A Poetry Compilations - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon