16. Disastrous Meeting

Start from the beginning
                                    

"May boyfriend na nga, kung makayakap pa rin sa akin parang linta..." Niyakap niya rin ako pabalik. Ilang minuto kaming nanatiling ganoon ang tayo.

Nag-angat ako ng paningin para magpantay ang aming mukha. "G-gusto mo po bang m-makilala ang b-boyfriend ko?" tanong ko sa matanda.

Ngumiti ito nang matamis. Sinuklay niya ang buhok ko. "Oo naman, anak. Ano bang paborito niyang pagkain nang maipagluto ko." Lumundag ang puso ko sa sinabi ni Manang. She was the kindest.

Pero paano ko ba sasabihing labi ko ang paboritong i-mukbang ni Zak? Hehe. Kapangalan ko pa ang favorite color niya. Rainbow. Akala ko nga bakla siya, pero may nangyari na sa aming dalawa. Is that enough proof that he isn't gay?

"Hindi po siya m-mapili sa p-pagkain." I told her. "M-agugustuhan po kaya ni P-papa kung d-dalhin ko siya rito?"

"Tuwang - tuwa ang Papa mo sa pagsalba niya sa kompanya. S'yempre, tatanggapin nito ang boyfriend mo sa pamamahay niya." She pinched my rosy cheeks. "Hindi ko nga lang alam kong matatangap din nito sa buhay mo. Chinese pa naman ang Papa mo."

Bahagyang kinabahan ako. I experienced his dad's treatment, mukhang hindi talaga ako nito gusto para kay Zak. Ganoon din kaya si Papa? I don't know how he exactly helped the company, it was leading to bankruptcy already. Dahil sa mga taong sinamantala ang pangangailangan ni Papa.

"'Wag mo na isipin iyon," Muling pinanggigilan ni Manang ang pisngi ko. "Kainin mo na iyang lugaw habang mainit pa. Masarap 'yan at malinamnam. Baka kako, hilo ka pa sa b'yahe." Tumayo ang matanda.

"S-salamat po, Manang. Na-miss ko po i-ikaw." I also stood and hugged her again.

"Mas lalong miss ko bebe namin dito."

"Nasa b-bag po ang mga p-pasalubong ko sa inyo." Itinuro ko ang suitcase. Isang malaking bagahe lang ang dinala ko sa Russia pero tatlo ang bumalik. "Si a-ate po?"

"Ayon, masungit pa rin, kulang sa dilig." Humagikhik ito.

Kumunot ang aking noo. "H-hindi naman po h-halaman si ate..." Ngumuso ako.

"Ibang dilig ang tinutukoy ko, 'wag mo na intindihin," Mas lalong ngumisi si Manang. Lalo akong napanguso. Hindi ko naman gets ang sinasabi nila. "Babalik na ako sa kusina. Ubusin mo iyang lugaw."

Tumango lang ako bilang sagot at tumalima sa lugaw na hatid ni Manang. Sinimulan ko itong kainin. May treat din si Manang para kay Zahara, s'yempre ang carrots ng baby ko. Kasama ko silang bumalik sa mansyon. Manang left me alone in my room.

Sakto naman ang pagtunog na phone ko. There was a photo message sent to me by my boyfriend. Zak was driving his car, side view ang kuha ng larawan.

Kahit side view niya napaka-gwapo, para akong kakapusin sa paghinga. Hmp, ang pogi pogi. I also sent him a picture of me eating lugaw with hashtag essential.

***

Rinig ko ang pagkalabog ng aking dibdib. Kabang - kaba ang pakiramdam ko habang inaabangan ko ang pagdating ni Zak. Kanina pa ako hindi mapakali. Linggo rin ang hinintay ko para sa dinner kasama ang buong pamilya.

"Ika'y pumirmi sa isang tabi. Ako ang nahihilo sa ginagawa mo, anak." reklamo ni Manang nang madatnan nito ako sa sala. Gusto ko sanang tumulong sa kanilang magluto, pero mas nangibabaw ang kaba sa akin. They were cooking seafoods for Zak. Hindi makapag-function ang puso't isip ko.

Huminga ako nang malalim at lumabi. Naupo ako sa pang-isahang couch.

"Mukhang dumating na yata ang boypren mo." My eyes widened. Bigla akong napatayo. Tumakbo ako papuntang main door para sumalubong sa boyfriend ko.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now