Love Notes and Lattés

119 21 35
                                    

Minsan, nakakatawa kung paano tayo paglaruan ng tadhana.

If I remembered it right, that was December of 2009. Palabas na ako ng coffee shop na pagma-may ari ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuntong-hininga ako. Wala akong dalang payong at kahit ilang metro lamang ang layo ng sasakyan ko'y mababasa pa rin ang damit at sapatos ko.

And while waiting for the rain to subside, that's when I first saw her. Running with her bag tucked on her chest; hands over her head, trying to shield herself from the rain. Kitang-kita ko ang iritable niyang mukha nang tumabi siya sa akin para makisilong.

"Bakit kasi ngayon pa umulan!" Narinig ko ang mahinang pag-tsk niya kasunod ng paglingon niya sa direksyon ko. I really don't believe in those cheesy romantic movie scenes, pero sabi nga nila, there's always a first time.

Para bang biglang nag-slo mo ang paligid nang ngitian niya ako. Kung hindi pa niya inalis sa akin ang tingin niya, hindi ko mapapansin ang pagpipigil ko ng hininga. What the hell was that? Palihim ko ulit siyang tiningnan at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa hawak niyang bag. Mukhang may importanteng laman 'yon.

Napangiti ako. We just stood there in comfortable silence, waiting for the rain to eased off. Akala ko'y iyon na ang una at huli naming pagkikita pero mukhang may ibang balak ang tadhana.

Summer 2010. It was my daily routine to walk Cooper before going to my coffee shop. Pero sobrang init ng araw na 'yon kaya naman kahit dala ko ang aso ko ay dumiretso na ako ng Pink Oven. And that's when I saw her... again. Akala ko, wala na siyang magiging epekto sa akin, pero sa simpleng paghawi lang niya ng buhok ay parang bumalik ako noong unang beses ko siyang makita.

Nang makita ko kung paano niya kinuha ang camera na nasa ibabaw ng mesa at sinubukang kunan ng litrato ang aso ko, alam kong iyon na ang pagkakataon para makilala ko siya. I gave her my number on a tissue paper. It was a long shot, but that didn't stop me from showing her that I like her.

Kaya naman nang malaman kong napapadalas ang pagtambay niya sa coffee shop ko, I took another shot. Inaabangan ko siya araw-araw. I even asked my baristas what's her favorite coffee is. At sa tuwing o-order siya nito ay dinidikitan ko ito ng post-it note na may nakasulat na quote o pick-up line. 

Corny? Siguro. Pero kuntento na akong makita ang mga ngiti niya sa tuwing babasahin niya ang mga inilalagay kong notes sa kape niya. I was falling real hard but I was too scared to admit my feelings for her. If only I knew that fate can be cruel sometimes.

'What if...' Those were the two words that I wrote on the last post-it note I gave Leigh before I went back to the States. I have no choice but to leave dahil nagkaproblema ang mga magulang ko. Pero bago ako umalis, ipinangako ko sa sarili kong pagbalik ko ay hindi ko na palalampasin ang pagkakataon, ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero hindi ko akalain na magtatagal ako roon. The determination that I had before slowly crumbled as time went on. I missed her smile, her laugh, and the way she tucks her hair behind her ears. Siguro iisipin ng iba na ang babaw ko, I fell for someone who I only had the chance to admire from afar. But that's how love works, it hits you when you least expected it.

'What if I told you that I love you?' I should've written those words before, then maybe I'm not having regrets now. Then maybe...

'Oli?' Napatingin ako sa tumawag sa akin.

'What?'

'Can you hold Cooper? May kukunin lang ako sa shop.' Inabot sa akin ni Via ang alaga kong aso bago pumasok ng coffee shop.

Nang pumunta akong States ay ang ate ko na ang nag-manage ng coffee shop, pati na rin ang pag-aalaga sa aso ko. Napabuntong-hininga ako saka inilapag si Cooper sa semento.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. This is the same spot where I saw her on our second meeting; the same spot where I saw her trying to sneak a photo of my dog; and the same spot where I saw her walk away from me—the day I attended my sister's engagement party.

I sighed. 'I still can't believe that it has been a year now.'

Napadako ang tingin ko sa loob ng coffee shop, and instinctively my eyes diverted to her usual spot. May isang lalaking nakaupo roon. Hindi ko na sana ito bibigyan nang pansin kung hindi lang sa babaeng lumapit dito.

She's still the same girl that captured my heart. The same girl that made my heart skipped a beat. But now, something's different about her. 

The twinkle in her eyes when she smiled, hindi na 'yon dahil sa'kin. And when their lips met, only one thought lingered my mind,

'She is the best thing that's never been mine.'

Love notes and LatteWhere stories live. Discover now