"Hindi ah." Dipensa ko.

"Wag ka ngang mag sinungaling sa'kin, halata naman." He said.

Psh! Halata naman pala eh, tanong pa ng tanong.

Inirapan ko siya. "Oh eh ano naman?" Maarteng tanong ko.

Saglit kaming natahimik. "Kaya naman natin ng wala siya."

Seryosong sabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin at sinimulang kutkutin ang kuko ko. Inisip ko ang buhay namin na wala si papa, oo, aaminin ko na kaya namin ng wala siya pero iba parin kapag kasama mo ang papa mo.

Simula kagabi ay hindi na namin siya nakita sa bahay, umalis siya ng hindi man lang nag papaalam sa akin. Nagalit ako sa kanya at mas lalong nadagdagan ang galit na'yon nung umalis siya ng wala man lang paalam.

"Pero iba parin kapag may tatay tayong kasama kuya."

"At ano? Babalewalain nalang natin yung ginawa niya dahil lang sa gusto natin siyang makasama?" Medyo tumaas ang boses ni kuya. Hindi ako agad nakasagot.

"Isipin mo nalang kung anong maramdaman ni mama. Sa ating tatlo siya ang pinaka nahirapan sa sitwasyon." Para akong sinampal ng katotohanan.

Naalala ko yung kwento ni mama, kahit masakit sa kanya ay ilang beses niya paring tinanggap si papa sa buhay niya dahil ayaw niyang lumaki kaming walang tatay, hindi
niya pa kami kayang buhayin mag-isa nung mga panahong iyon at pag nagkataon siya ang kawawa.

Nang makarating ako sa school ay dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang iilang libro na gagamitin ko para sa first subje namin. Review nalang naman ang gagawin namin sa halos lahat ng subject kaya iilang gamit lang din ang dinala ko.

Habang nag lalakad sa pathway papuntang building namin ay natanaw ko si Arrie at Carra na nakaupo sa bench malapit sa quadrangle, may mga hawak silang libro at mga notes. Hmm... malapit na ang pasukan ah, ano pang ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa niyo dito? Mag papasukan na." Sabi ko nang makalapit ako sa pwesto nila.

Hindi man nila ako tiningnan at tuloy pa'rin sila sa pag-babasa at pag susulat sa mga notes nila. "Ohh Shin, kanina ka pa namin hinihintay." Ani Carra.

Abala parin sila sa ginagawa at hindi man lang ako nagawang lingunin. "Wala tayong mga subject teacher ngayon pero ni required nilang mag review tayo sa time nila." Paliwanag ni Arrie at doon palang ako nilingon.

"Umupo ka nalang Shin at sabayan kaming mag review." Si Carra.

"Bakit dito? Pwede namang sa room." Sabi ko.

Ibinaba ni Arrie ang librong hawak at tumingin sa'kin. "Naisip narin naman namin 'yan pero hindi din naman kami ganon ka shunga para hindi maisip na maingay ang mga kaklase natin at madi-distract lang tayo."

"Tsaka isa pa, walang paawat ang mga iyon kung mag ingay. Mas okay na dito kasi hindi naman gaano kaingay." Dagdag ni Carra.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang din, nilapag ko ang dala kong libro sa table at kinuha na din ang mga notes ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon, kung alam ko lang na wala naman pala kaming subject teachers eh sana sa bahay nalang ako nag review.

Napabuntong-hininga nalang ako at sinimulan ng sulatan ng notes ko. Nag highlights din ako ng mga key words at mga importanteng information para hindi na ako mahirapang i-familiarize ito mamaya.

"Teh, ayos ka lang?" Nabaling ko ang tingin ko kay Arrie nang mag tanong siya.

"H-huh?" Tanging nasabi ko.

"Parang namumutla ka eh." Dagdag ni Arrie.

"Hala, oo nga!" Komento naman ni Carra.

Napahawak ako sa labi ko at tiningnan silang dalawa. "A-ayos lang naman ako."

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now