One

103 57 2
                                    

"Buti bumalik ka non no?" Napatingin ako sa kanya.

"Syempre, iyon ang sabi ko sa sarili ko, tsaka gusto rin makita ulit yung lugar." Sagot ko. Tumingin ulit siya sa'kin na parang di makapaniwala.

"Two days nga bago ka bumalik eh." Paalala niya. Aish! Naalala ko na naman tuloy kung paanong pangungulit ang ginawa ko sa magulang ko makabalik lang ulit sa park na iyon.

Napairap ako. "Na busy kasi sila mommy no'n tsaka kung alam mo lang, lahat na ginawa ko mapilit lang silang bumalik dito." Depensa ko pero tumawa lang siya bago sumipsip sa hawak na milkshake.

"Pero dati yon..." Sabi ko ulit. "Bata pa kasi tayo non kaya puro pa ako pilit sa magulang ko." Natatawang kwento ko at kinain yung french fries.

"Ngayon pwede na tayong pumunta ng hindi sila pinipilit." Natawang sabi din ni Razz, pero totoo, may freedom na kaming gawin ang gusto namin because we're not kids anymore!

"We are already in highschool na." Saad ko.

Tumango siya. "Ang bilis ng panahon."

"Oo nga eh, ilang years na ang lumipas pero wala paring pinag bago ang lugar na'to. Maganda pa'rin." Tiningnan ko yung mga swan na malayang lumulutang sa lake.

May mga tumubo na ding mga maliliit na bulaklak pero mas lalo lang itong naka dagdag ganda sa paligid. Tulad din ng dati ay kakaunti pa'rin ang mga taong nag pupunta dito sa park.

"Look oh, ito yung sinulat na'tin nung mga bata pa tayo." Tinuro ni Razz yung parte ng puno na may naka sulat na pangalan namin kaya nilingon ko ang gawing iyon.

Shin Yuna and Kenzie Razz
                   (2010)

Shin and Razz
       (2013)

Bahagya akong natawa dahil ang cute ng pagkaka sulat ng mga pangalan, halatang sarili naming sulat ang mga ito tapos may year pa sa baba. Ang tagal na nga, 2017 na ngayon.

"Ang cute nga eh, 4 years na'rin pala ang lumipas nung huli tayong nag sulat dito." Sabi ko at tumango naman siya. Mula sa gilid ng paningin ko ay kita kong umalis si Razz.

Pag lingon ko ay may kinuha siyang kung ano sa bag niya pagkatapos ay lumapit din siya ulit tapos ay may inabot siya sa'kin na parang stainless na hugis lapis.

"Ano to? Saan mo naman to napulot?" Sunod sunod na tanong ko.

"Sa daan kanina nung palabas ako ng subdivision namin." Napataas ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya.

Ano naman kayang nakain niya at pinulot niya pa 'to.

"Bilis sulat na." Nakangiti niyang itinuro ang puno.

Sa taas ng unang sinulat namin ay sinulat ko ulit ang pangalan ko, complete name na ang nilagay ko para cool, pagkatapos ay iniabot ko naman kay Razz yung pang sulat.

Sa baba ng pangalan ko ay doon niya isinulat ang kanya.

"Ayan!" Sabi niya nang matapos siya sa pag susulat. Tiningnan ko ito at napangiti.

Shin Yuna Hayasa
and
Kenzie Razz Yurima
(2017)

"Sa susunod iisang apelyido nalang ang ilalagay na'tin diyan." Napalingon ako sa kanya. Nagtataka.

"Anong sabi mo?" Nag tatakang tanong ko.

Natigilan siya at napakamot nalang sa kanyang batok. "A-ah hahah wala." Deny niya pa.

"Look, sunset na." Turo ko sa napaka gandang papalubog na araw.

Naupo kami ulit at tahimik na pinanood ang dilaw na kalangitan. Matagal na naming ginagawa ang bagay na ito, ang tumambay dito habang kumakin, nag kekwentuhan at hintaying lumubog ang araw. Halos araw-araw nga yata kaming narito eh.

Buti nga at hindi pa kami nag sasawa.

"Ano, tara na?" Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili, kinuha na rin niya ang school bag niya kaya tumayo na din ako.

"Mag didilim na, tara na." Inayos ko ang uniform ko at kinuha na rin ang bag ko, niligpit lang muna namin saglit yung mga kalat namin bago nag simulang mag lakad.

Hindi magka lapit ang subdivision naming dalawa, mauuna ang sa amin at dalawang kanto pa ang lalagpasan bago makarating sa subdivision nila. May mga sundo naman kami pero ginusto naming umuwi mag isa para magka time na tumambay sa park pero hindi naman araw-araw.

"Alam mo ba na masaya ako kapag ganito..." Natigil ako sa pag iisip nang bigla ay sabihin niya iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ko talaga ma gets to minsan.

"Masaya ako kapag magkasama tayo." Tumingin siya sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Hala naman...

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya, para itong bituin na kumikinang.

"Masaya rin ako." Mahinang sabi ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Ang cute mo." Sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko at nauna ng mag lakad.

Wala sa sarili akong sumunod sa kanya at maya-maya lang ay hindi ko na namalayang nasa harap na pala kami ng gate ng bahay namin. Hindi ko na napansing hinatid niya pala ako.

"Kanina ka pa parang tulala, ayos ka lang?" Tanong niya, kita ang pag aalala sa kanyang mukha.

Ano ba yan, bakit ba parang bigla akong naiilang sa mga ginagawa niya eh palagi naman siyang ganyan. Sa ilang taon naming pag kakaibigan ay ngayon lang ako nailang sa mga ginagawa niya.

"O-okay lang ako... Ano, salamat sa pag hatid." Parang tanga Shin! Bakit ka nauutal?

"Umuwi ka na din madilim na, tsaka medyo malayo pa ang sa inyo. Di mo na kasi dapat ako hinatid pa." Pahina na pahina ang boses na sabi ko.

Tumawa lang siya tsaka bahagyang kinurot ang pisngi ko. "Hindi naman kita pwedeng pag lakarin mag isa."

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakagalaw, ayon na naman ang puso ko na halos lumabas na sa katawan ko dahil sa sobrang lakas ng kabog.

"Mauuna na ako." Pilit akong ngumiti at tumango. Nag wave pa siya bago tuluyang tumalikod, nag wave din ako pabalik kahit na hindi niya naman nakita.

Parang shunga lang Shin!

"Bakit ganon? Ang weird..." Sabi ko sa sarili ko.

Nang hindi ko na siya matanaw ay pumasok na rin ako dahil malamang ay hinahanap na ako nila mommy and daddy. Iisipin na naman ng mga iyon ay palagi akong nasa galaan. I pouted.

"At bakit ngayon ka lang?" Bungad ni mommy.

Napa simangot agad ako.

"Pumunta po kami sa park mommy." Parang batang sabi ko at nag puppy eyes pa para hindi niya na ako sermonan.

Bumuntong hininga lang siya at ngumiti. "Kaya pala hindi ka na nag papasundo ngayon ah." Aniya na may nang aasar na tono.

"Siguro crush mo na yang best friend mo ano?" Nakakalokong sabi pa ni mommy na may kasamang pag kantiyaw pa. Yung hindi nga ako inaasar ng mga kaibigan ko kaso pumalit naman ang nanay ko.

"Hindi ah!" Napa iling ako agad at umakyat nalang sa kwarto ko dahil mang aasar na naman 'yon si mommy. Hindi ko pa naman keri ang pang aasar non.

"Bumaba ka pagkatapos mong mag bihis dahil kakain na." Pahabol ni mommy.

Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at inilagay sa study table ko ang bag ko. Kumuha ako ng damit sa closet ko pamalit at agad ng nag bihis.

Out of nowhere ay naalala ko na naman ang mga nangyari kanina habang nag lalakad kami at yung sinabi ni mommy tungkol sa crush na'yon.

Crush... Crush? Ako?

Umiling ako. "Hindi... Hindi pwede."

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now