Eight

15 1 0
                                    

KINABUKASAN ay nagising ako ng medyo masama ang pakiramdam, at kahit ayaw kong bumangon ay pinilit ko ang sarili ko dahil ayaw kong um-absent. Wag ngayon dahil sa lunes na ang finals at kailangan na naming mag finalize ng mga projects namin.

Nakapikit kong tinungo ang cr at humarap sa salamin, doon ko lang iminulat ang mga mata ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang napaka pangit kong itsura. Parang gusto ko tuloy ibuhos agad itong tubig sa katawan ko, nagbabaka sakaling umayos agad ang itsura ko.

Wala talaga ako sa mood ngayon, napaka init ng pakiramdam ko at pinapahina no'n ang katawan ko. Bumuntong hininga ako tsaka napipilitang pumasok sa shower room at binuksan ang faucet, baka sakaling umayos ang pakiramdam ko kapag nadaplisan na ng tubig ang katawan ko.

Pero nagkamali ako nang mapansing wala man lang nagbago sa pakiramdam ko kanina. Nabawasan lang ang pagiging matamlay ko pero masamang pakiramdam ay naroon parin.

Psh! Papano ako makakapasok ng maayos nito kung ganitong parang wala akong ganang pumasok? Kung bakit ba naman kasi nag paulan-ulan pa eh! Stupid Shin!

Napailing nalang ako nang maisip ang mga pinag-gagagawa ko kagabi sa ulan. Yung pamimilit ko kay Razz na samahan ako kahit na binalaan niya na ako, yung kakulitan ko habang nakikipag habulan sa kanya, lahat! Parang dinaig ko pa ang bata na ayaw magpa-awat.

Kaya huwag kang nag iinarte diyan ginusto mo 'yan Shin! Bunga 'yan ng kakulitan mo kaya pag dusahan mo.

"Shin! Bumaba ka na riyan dahil ang kuya mo ay nag hihintay sa labas!" Umalingaw-ngaw ang boses ni mama galing sa ibaba.

Nag maktol pa kunyari ako dahil hindi ko talaga alam kung papasok ba ako o wag nalang. Sa huli ay napagdesisyonan ko rin ang bumaba dahil papasok ako.

"Ang tagal mo naman, ang kuya mo ay nag hihintay na sa labas." Bungad sa'kin ni mama nang makarating ako ng kusina.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Biglang kumirot ang dib-dib ko lalo na nang makita si mama na nakangiti na parang hindi siya umiyak kahapon dahil kay papa.

Hindi nalang ako nag salita at nginitian na lamang siya bago kumuha ng dalawang pancake. Ayaw kong mahalata niyang may sakit ako dahil malamang sa malamang ay hindi ako papapasukin niyan, at kahit pa ipilit kong papasok ako ay mauuwi parin sa hindi ko pag pasok.

"Una na po ako!" Masigla kunyaring sabi ko kahit na ang totoo ay tutol ang katawan ko.

"Mag iingat kayo at good luck sa school." Hinaplos pa muna ni mama ang balikat ko tsaka ako nginitian.

Nang makapag paalam sa isa't isa ay lumabas narin ako dahil paniguradong uusok na naman ang ilong nung kapatid ko. Pinag hintay ko pa naman siya at ayaw na ayaw niya 'yon, pero hindi niya ako masisisi dahil masama ang pakiramdam ko.

Umulan ulan pa kasi!

"Ang tagal mo!" Sabi na at 'yan ang ibubungad niya sa'kin eh.

"May ginawa pa kasi ako, kuya." I said in a low tone voice.

Di na siya nag salita pa at nag suot nalang ng seat belt, ako naman ay sumakay na dahil baka iwan pa ako. Tahimik ang buong byahe namin, hindi katulad ng dati si kuya na kung maka-asar eh dinaig pa ang mga bully. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na dahil ito sa nangyari sa pamilya namin.

Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, naalala ko nalang bigla kung paanong umiyak si mama at kung paanong nagalit si kuya. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nagawa sa'min ni papa ang bagay na iyon.

"Umiiyak ka ba?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Kuya.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ito agad at umayos ng upo.

Somewhere Only We Know Where stories live. Discover now