"Araayyy... Anubang problema mo sakin Howie? Bakit kaba nananakit ha? Tirisin kita dyan eh.."

Nagpapadyak kong singhal dito. Itinuro ng hawak nitong stick yung Amihan na nakatitig na sakin ngayon.

"Ssss.... Jp, magbigay galang ka sa Prinsesa ng Nahara."

"Ha!" Nagpa process pang utak ko ng tapikin ni Flurrel ng kanyang pakpak ang aking leeg.

"Bilisan mo na.. kung ayaw mong maparusahan ng itim na Diwatang yan."

Parusahan? Aba'y wag naman.. "Hello! Ako nga pala si Jp, Ahm.. ang ganda ganda mo naman, kahit na seryoso ang yung mukha, anupa kaya kung ngumiti ka? Naku! siguradong kagaya nila Diwatang Ayana, Alitaptap at Mayum -- "

"Bakit alam mong mga pangalan nila?"

Dumagondong ang boses ni Amihan na napatayo na lang bigla at sa isang iglap ay nasa harapan ko na't hawak hawak ng mahigpit ang aking braso. Napasinghap ako ng biglang mahirapan akong huminga. 'Hangin... bakit tila yata walang umiihip na hangin?'

"Hah.. haah.. h - hindi.. ak -- kooo.. mak -- ka.. hingaaaa..."

Nasapo kong aking dibdib dahil naninikip na ito.. tuluyan ng napapikit aking mga mata ng marinig kong boses ni Howie.

"Kamahalan, pakiusap po! huminahon muna kayo.."

"Prinsesa Amihan! mga kaibigan po ng Tagalupang ito sina Prinsesa Ayana, Prinsesa Alitaptap at Diwatang Mayumi, pakiusap wag nyo na po syang pahirapan."

Sa sinabing yun ni Flurrel, nakaramdam ako ng ginhawa, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, na nanlalabo pa dahil sa luhang namuo. huminga pa'ko ng malalalim at sunod sunod, saka sinulyapan ang Diwatang may gawa nito sakin. Iba ng kanyang aura ngayon, malinaw at maliwanag na kulay asul ang ngayon ay nakapalibot sa kanya, ibang iba kaninang aura nito na maitim at halos kadiliman ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Anong sadya mo dito saming mundo?.bakit ka pakalat kalat saking lupain?"

'Hala! Grabe sya kung makaangkin ng lugar.. lupain talaga? Sabagay ibang mundo ito at sigurado akong ibang pamamalakad dito.'

"Pasensya kana sakin ha! Nandito ako, para sana kumustahin ang aking mga kaibigan. Kung nakaabala man kami sayo at nakatuntong ngayon sayong lupain.. patawarin mo na kami, Prinsesang Amihan. Aalis na kami ngayon din ni Flurrel, asahan mong hindi kana namin gagambalain pa."

Taray! sabay talikod ko't nagmamadali nakong naglakad paalis sa lugar na yun. pero dipa nga ako tuluyang nakakalayo narinig ko na naman ang boses ng Diwatang itim na yun.

"Bakit tila ika'y nagmamadali? Hindi ka basta basta makakaalis sa lugar na ito habang laganap ang dilim.. Maraming panganib ang nakaabang sa'yo sa oras na lumampas ka sa harang ng lupaing pag aari ko."

Napabalik ako bigla ng marinig ang kanyang mga sinabi. Sabagay mas mabuti ng dito muna kami manatili, kesa kung anu na naman ang makasagupa namin ni Flurrel sa kagubatang ito. Paunti unti kong nilapitan si Diwatang Amihan, nakaupo na naman sya sa malaking kabute at seryosong nakatingin sa kawalan. Umupo ako sa katabi nyang kabute at tumingala din sa kawalan, ng biglang gumalaw ang inuupuan kong kabute.

"Ay! palakang malaking bunganga!" napatayo akong bigla, nanlalaking aking mga mata ng mabilis na tumakbo palayo samin ang kabuteng inupuan ko kanina. "Pucha! anu yun? Isang malaking joke na naman ba ito sa kainosentihan ko dito? Naman! Kalorke kayo ha!."

"Mailap ang mga kabuteng yan, saka namimili ng mga nilalang na pinapayagang maupo sa kanila."

Napasulyap ako kay Amihan at kitang kita ko ang makahulugan nyang ngiti, na kahit pa ikinubli nya kaagad sakin, huli na't nakita ko na.

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now