Biglang may kumalabog sa may bandang pintuan at nagulat kami. Bumungad saamin si mama. Bakit ko ba kasi hindi sinasara.

"Tita, let me explain." Sambit ni Adrean. Pinulot ni mama ang kaniyang mga gamit na nahulog.

"Kahit 'wag na. Matagal ko ng alam na gusto mo ang anak ko." Sagot ni mama at bigla na lamang itong umalis. Bigla akong napangiti roon.

I'm happy na hindi tutol sila mama. Siguro alam niya din siguro na ampon si Adrean kaya gano'n at baka napapansin din ni mama na may gusto ako sa kanya.. This is the best day for me.

Naging masaya kami. I know na hindi niya 'ko sasaktan and he did it. Masaya ang relasyon namin. Lahat ng tampuhan, nalalagpasan. He's so caring to me. Ang swerte ko na sa kanya.

5 years after that scene, nakatitig ako sa isang salamin. Wearing a simple gown. Nakakaexcite, nakakakaba, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Bilisan mo na diyan, Stacey. Male-late na tayo papuntang simbahan." Sambit ni mama at lumabas na 'ko sa kwarto.

Pumunta na kami sa simbahan at marami nang humihintay sa labasan. Hinihintay na ang bride. Lumakad ako at nakangiti silang lahat. Halos lahat sila ay nakatitig sa'kin. Medyo nakakahiya.

"Andiyan na 'yong bride!" Agad akong napangiti at pumunta sa gilid para rumaan si Wendy. The bride. Siya ang ikakasal, not me.

Pinalakpakan siya ng lahat. Kahit ako ay ngumiti sa kanya. Syempre, kaibigan ko 'yon. Pumasok na kaming lahat. I watch my best friend walking in an aisle papunta sa pinakamamahal kong si Adrean.

Ako sana 'yan kaso hindi talaga pwede. Hindi pala talaga.

"Hindi ko na pwedeng itago ito sa'yo, Stacey. You're adopted but—" napangiti ako kay mama. Okay lang naman saakin na adopted ako kasi walang mali saamin ni Adrean.

"But kapatid mo si Adrean." Sagot ni mama at agad akong naguluhan.

"Hindi ko maintindihan ang lahat, Mom." Sambit ko at napabuntong hininga ito.

"Bell, our best friend. Nagkaanak siya nang dalawa and kahit kami, alam namin na hindi nito kayang palakihin. As a best fried, we adopted you. Ikaw ang kinuha ko kasi gusto ko nang babae. And your tito choose the boy, Adrean." Agad akong naliwanagan sa sinabi ni mama.

After that, napagdesisyonan ko na makipaghiwalay sa kanya. In-explain ko sa kanya na hindi talaga pwede kasi magkapatid kami. Hindi siya naniwala saakin pero tinapos ko na.

Nagpakalasing siya noong araw na hiniwalayan ko siya pero wala lang sa'kin. Halos araw-araw siyang nasa bar. Halos araw-araw niya 'kong tinatawagan at umiiyak sa'kin pero bakit na manhid ata ako? Bakit kahit idang beses, hindi ko siya napagbigyan. Hindi ko man lang siya inisip.

Hindi ko alam na gusto pala siya ng best friend ko. Naiinggit siya sa'kin at gustong gusto niya itong kunin mula saakin. Sinundan niya ito sa bar to comfort him. Pero kilala ko ang mahal ko. Ako lang ang makakapagpapasaya sa kaniya. Ako lang ang makakapapatigil sa kaniya

Pero may nangyari sa kanila at mas masakit doon ay nabuntis ito. I know that my friend, manipulate him para mabuntis siya nito pero wala akong magawa. Magkaka-anak na sila.

Hindi ko man maitatanggi na sobra 'yong lungkot ko. Wasak na wasak ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Ano bang magagawa ko? Mahal ko siya kaso mali. Mali 'tong pinasok namin. Pero mali rin na pinabayaan ko siya.

Pero mas nagalit ako kila mama nang marinig ko ang,

"Hindi ko aakalain na maniniwala si Stacey. It's just a prank. Ayaw ko talaga sa Adrean na 'yon kahit hindi niya 'yon pinsan." Mas masakit pa kasi 'yong sarili kong ina ang nagsabi. Umiyak ako sa harap nito.

"Masaya akong naghiwalay sila dahil mahirap lang sila Adrean kaya ayoko." Dugtong pa ni mama.

"Ma?" Nagulat sila sa pagsambit ko. Agad na bumuhos ang mga luha ko.

"Stacey, he's not best for you." Sagot ni mama at umiling ako.

"He's not best for you, ma. Pero sa'kin? Oo!" Sagot ko at tinalikuran sila. I hated her.

I hated them all. Pati sarili ko, kinainisan ko kasi naniwala ako agad. Naniwala ako kay mama na ang gusto lang pala ay magkahiwalay kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko no'n. Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa mga desisyong nagawa ko.

Hindi ko na sinabi kay Adrean ang totoo dahil alam kong iiwan niya ang kaibigan ko. I know him. He'll all let go para lang sa'kin. Ayokong mangyari 'yon. May anak na sila at ayaw kong masira ang pamilya nila dahil saakin. Ayokong lumaki ang mga anak niya na walang ama at tinalikuran sila nang dahil lang sa'kin.

Kaya ngayon, sila'y kasal na. Ang saya ng mahal ko. 'Yong ngiti niyang, saakin lang napupunta—binibigay na niya sa kaibigan ko. Ang mahal ko'y ikinasal na sa iba.

Limang buwan ang nakalipas noong ikinasal sila, nagpakita akong muli sa kaniya. Para sabihin ang totoo? Oo. Hindi ko ito gagawin para kunin siya. Para bawiin siya. It's no. Gusto ko nang mag-move on.

"Adrean..." Sambit ko nang makita sita naghihintay.

"I missed you." Napaiwas agad ako sa sinabi niya. Mahal niya pa kaya ako?

Agad akong umupo sa tapat niya at ngumiti siya sa'kin. Ang ngiting noong mahal na mahal pa namin ang isa't isa.

"Gawa-gawa lang ni mama 'yong sinabi niyang magkapatid tayo." Sambit ko at agad niya hinawakan ang mga kamay ko.

"Kailan mo pa alam? Stacey, kailan pa? Bakit 'di mo agad sinabi?!" Sahgot niya at napailing ako.

"Nalaman ko noong time na malapit na kayo ikasal—

"What! Bakit hindi mo sa'kin sinabi? I still love you, Stacey. Ikaw parin." Agad akong napaiwas sa kaniya. Gusto kong ngumiti pero mas lalong mali na ito.

"May pamilya ka na. Ayoko ng guluhin 'yon. Mahal kita." Sambit ko at tatayo na sana ako pero pinigilan niya 'ko.

"Please? Pwede naman tayo bumalik ah. Iiwan ko ang lahat. Please be with me." Sambit niya at umiling ako.

"Mas mali 'to, Adrean. Mali 'to." Sambit ko at iniwan ko siyang muli.

Kahit masakit, bibitawan ko siya kasi may pamilya na siya. Ayokong may masaktan pa kaming iba. Mas okay nang ganito.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 1Where stories live. Discover now