Tumango lang ulit siya. Parang may mali sakanya eh, kanina pa siya ganyan.



"Ba't parang tahimik ka?" Tanong ko sakanya at tinapunan niya muna ako ng tingin saglit.



"Ha? Hindi naman ah. Kinakausap naman kita" Mahinahong sagot niya. Pinabayaan ko nalang siya sa gagawin niya.



Kalahating oras pa siya nagdadrive at walang nagsasalita sa'ming dalawa. Unti unti niyang hininto ang sasakyan at sa tapat nito may malaking rest house at hanggang third floor ang taas nito.



Pinark niya sa gilid ang kotse at dali daling bumaba para buksan ang pintong nasa gilid ko.



"Kaninong rest house ito?" Bungad na tanong ko nang makababa na 'ko.



"My grandparents owned it, pero wala na sila 2 years na" Sagot niya at naglakad na papunta sa rest house. Sumunod lang ako sakanya sa paglalakad.



Maganda ang rest house at malaki din, ang ibang material na ginamit dito ay kahoy at mukhang luma na ang rest house. Sinususian na ni Jaydee ang pinto at deretso kaming pumasok, nakabukas na din ang lahat ng ilaw sa bahay na ito. Nilibot ko ang paningin ko at puro kahoy ang gawa dito at may malalaking frame din na naka sabit. May mga gamit din na pang sina una at sobrang ganda, malinis ang bahay at makintab din ang kahoy na sahig. May isang malaking frame na nakasabit at binatang lalaki ito na naka barong, hawig siya ni Jaydee at baka lolo niya ito.



Tumingin ako kay Jaydee na nakatingin lang sa'kin at sinenyasan niya akong sumunod sakanya. Paakyat na kami sa third floor.



"Wala na'bang may ari nitong bahay? I mean, wala ng humahawak?" Tanong ko habang paakyat kami.



"Wala. Sa'kin lang iniwan ang susi at parang ako na ang may hawak, pero minsan ko lang 'to binibisita. Maraming gustong bumili pero hindi ko binebenta." Walang emosyong sagot niya. Nakita ko sa second floor na may'roong apat na kwarto.



Nagtungo kami sa Balcony ng third floor at sobrang ganda ng tanawin mula dito kahit gabi na at sobrang lamig pa. May nakahanda ng dalawang upuan sa balcony at doon kami umupo.



May nakahanda na di'ng chocolates sa table at pinapak lang na'min 'yon. It was a perfect way to spend a night. Tumingin ako sakanya at kanina pa siya tahimik at hindi nagsasalita.



She was extra quiet today. Parang may iniisip siya.



"Are you okay?" Tanong ko sakanya.



Bumuntong hininga siya. "Yes."



Hindi ako nagsalita. Mukhang may pinoproblema siya ngayon na hindi niya masabi. I looked at the stars. "Do you want to say something?" Tanong ko.



Napalingon siya sa'kin. Matagal bago siya nakasagot. Anong iniisip niya? Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko kasi may hindi siya sinasabi sa'kin. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako.



"Naisip ko lang..."



"What?" Tanong ko.



"Mahal na mahal kita." Sabi niya at umiwas ng tingin.



"I love you but I can sense that something is wrong. What is it?" Tanong ko ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon.



"Nothing." She answered and kissed my hand.



Ngumiti ako sakanya para malaman niyang hindi ako galit. Malaki ang tiwala ko sakanya kaya hindi na ako nagtanong ulit.



"Don't hurt me Jaydee..." It was almost a whisper.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now