So ayun tatlong linggo ang naging practice at sa bawat araw na nagturo siya, humanga ako siyempre sa kanya at hindi na ako naiinis kapag tinititigan niya ako, mas naiinis pa nga ako noon kapag sa iba siya tumititig eh. At eto...ang cool niya talaga sumayaw dudes!

So ayun fast forward na natin.

Araw na noon ng mismong simula ng event na magtatagal ng 3 days. Dumating na yung mismong oras para mag perform kami at gaya ng laging pormahan ng mga sa sayaw noon, naglagay kami ng electric tape sa kamay, sa sapatos, sa pisngi at manggas ng damit. Pero medyo na gahol kami noon sa oras dahil marami kaming nalate kasi ang naalala ko ay kinuha pa ata namin noon yung flag ng team namin at flag mismo ng sportsfest doon sa may court kung saan kami nag last rehearsal. At dahil nataranta na kami noon tinulungan na kami ng ibang member na maglagay ng tape. Si Magdamit ang naglagay sakin noon at yawa nag ka eye to eye kamiiii...I can't really forget that moment HAHAHA!

Alam niyo ba na noong moment na yun nakipagbuno ako sa sarili ko sa isip ko actually  kung ka kausapin koba si Magdamit o hindi. Siyempre good boy ako, kinausap ko siya.

"Sorry pala sa sinabi ko matagal na. Joke lang naman yun."
Sabi ko.

Hindi siya sumagot noon kaya guilty na guilty ako noon sa sarili ko pero potek ang gulat ko noon guys nung hinampas niya bigla yung pwet ko tapos ngumiti siya sakin. Potek legit yung gulat ko nun at para akong isang robot na nag malfunction. Yawa tanong ko talaga sa isip ko noon kung bakit siya namamalo ng pwet. Ang weird nung moment na yun noon diba? Kahit hanggang ngayon, ang weird na mamamalo ka ng pwet ng hindi naman kayo close. Naisip ko din na paluin siya noon pero sa isip ko na lang WHAHAHA. Kapag namalo ako ng pwet ng babae, manyak magiging image ko. Masyado kasing unfair ang mundo hmp.

Ang pagkakaalala ko umpisa pa lang nang tugtog namin ay naghiyawan na ang lahat, sino ba ang hindi kung ang theme ng dance niyo ay mala Mobile Legends WHAHHAHA!
Dahil sobrang lakas nang cheering ng team namin nung time na yun, ayun todo bigay lahat. Nakakadala talaga kapag sobra ang cheer ng crowd, kahit ibang team nakikihiyaw samin noon WHAHAHA.
After ng performance, pagka exit namin ay naghiyawan kami at naglundagan lalo na nung umiyak ang adviser ng team namin at sinabing proud siya samin kasi walang nagkamali at sobrang naging hype ang crowd nung performance namin. Sobrang sarap sa feelings noon guyssss!

Fast forward na ulit natin...

Nung patatlo at last na araw na ng sportsfest namin, nag sama sama lahat sa gymnasium. Bale team to team kami, sa loob ng tatlong araw na yun medyo may mga nagka away na team kasi may mga ka team na sobra kung ibash yung ibang team. As in kapag may player sa ibang team na tataob ay tatawanan minsan at mabagsik itinutulak pa tapos may mga agawan din ng flag na nangyari kasi noon kapag nakuha mo flag ng ibang team, may points ang team niyo. So ayun, ipinagbawal yun at muntikan na madisqualified ang team namin nung napikon yung captain ball ng team namin sa isang cheereer ng team na kalaban nila. But, wag na nating balikan yun. So ayun nag sama sama nga ang lahat, tapos unang in- announce kung sino ang Ms and Mr. Sportsfest kasi kapag nag announce na ng mga panalo na players ay kasama sa picture ang Ms and Mr SF. So ayun nanalo yung muse at escort namin noon, may mga team na nag boo pero pinakita ang naging result. So ayun may mga ka team din kami na naka 1st place which is champion na din ang katumbas, mga 2 dalawa lang ata tapos puro 2nd placer at third na. At ang pinakahihintay namin noon ay ang sa mass dance. At gaya ng inaasahan panalo kami guysssssss!
Tapos para sa best team, kami ulittttttt kaya naman nagtayuan na kaming lahat kahit yung ibang dumbell sa team tapos punta kami lahat sa unahan noon at ayun picture picture. Tapos ayun nagkahampasan na, sabunutan at may pumalo ulit sa pwet ko, si Magdamit ulit kaya ayun pinalo ko din siya sa pwettttttt! At nagtinginan sila sakin...lahat sila.

"Sorry, nadala ako eh. Saka siya naman nauna."
Paliwanag ko noon at gusto ko na lang talagang magpalamon sa sahig ng mga panahon na iyun. Sobrang nakakahiya na ewan ang naramdaman ko, as in.

Hi! Open Minded Kaba? Where stories live. Discover now