One Shot Story

18 1 0
                                    


Ten tenenen tententententen ten!!!

Magandang araw o gabi depende na sayo kung ano gusto mo! WAHAHAHA!

Hi! Open Minded Kaba?

May nag tanong naba sa inyo niyan? Kasi sakin meron.

Bukod sa frontrow, yang linya na yan ang naging unang conversation namin ni Krash.
Yesh.

Ganito kasi yun...

Nung Grade 11 po ako, isa akong dakilang dumbell, tinagurian nga akong dumbell the great, tutulong lang ako kapag umiyak na si leader, sori sori. Wag niyo akong tularan.
May krash ako na dancer noon—hanggang ngayon hehe, siya si Kyla Magdamit.
Totoo po na may surname na Magdamit. Wag niyo tawanan surname niyan, last na tumawa nagka gusto sa kanya WHAHAHA, ako yun.

Ganito kasi ang nangyari kung bakit naging crush ko siya...Mga February noon nung Grade 11 pa ako, may pa mass dance ang school namin na parte ng event para sa Sportsfest namin. At yung mga kasali sa mass dance ay karamihan walang ambag sa sports fest, hindi pera huh, kasi private kami, hindi ako nagyayabang dahil paaral lang ako ng pinsan ko na DO dun. By the way ang sinasabi kong ambag ay yung may sinalihan ka na sports. Kunyari sumali ka sa volleyball, basketball, board games, yung sa darts, at kung ano ano pa na utak at katawan ang pinapagana. Pag may sinalihan ka kahit isa doon, may ambag kana, may plus pogi points kana at may plus 3 ka pa sa mismong grades mo. Eh ako kasi hirap sa mga rules ng laro, ang laro ko ay mga katuwaan lang, walang rules ang gusto ko. Eh di in short wala ako sinalihan, eh ayaw ko naman maging dumbell saka sayang yung tshirt na tig-350 na natatanggal ang tatak, YAWA! Eh Di sumali ako sa mass dance. After 3 days nag meeting kaming mga kasali, antagal bago mag start kasi inaantay pa daw ang choreographer na si Magdamit. Napalakas ang tawa ko tapos nasabi ko pa ay...

"Ah baka nagdadamit pa! WAHAHHA!"
Alam ko na hindi nakakatawa pero pag talagang mga siraulo ang kasama mo at mga inip na din, ay talagang magtatawanan kayo. Gaya namin nung time na yun.
At saktong may pumasok na babae. Diba nagtatawanan nga ang lahat sa sinabi ko at ayun biglang natigil nung sinabi nung babae na...

"Ako si Magdamit. May problema ba?"

Nanigas ako nung time na yun. Katakot naman dis gorl. Tiningnan ko lang siya tapos inirapan ako nung sireyna niya na kasama. Tapos ayun tinapik na lang ako nung katropa ko tapos hinila paupo sa sahig. Bale naka Indian sit kaming lahat.

Tapos ayun nahiya ako nung hindi mawala titig niya sakin, siguro kung wala akong ginawang kagaguhan noon baka kinilig ako to the point na iisipin kong type niya ako, pero hindi eh, pinagpawisan ako noonat inisip ko na baka sa isip niya ay sinisipa na niya betlog ko, gets niyo ba? Huhuhu.

After nun, kada practice namin lagi siyang nakatingin sakin at ipinupwesto niya ako sa gitna, sa unahan, sa lahat ng pwesto na kitang kita ng manonood. Sa tingin ko nga noon ay gumaganti siya ng palihim sakin guyssss! Naiirita ako sa kanya nung mga panahon na yun sa totoo lang kasi bakit ba parang masyado niyang binibig-deal noon yun? Joke is just a joke, but maybe it really depends on the person na ginawa mong katawa-tawa.

Pero, eto huh, noon bukod sa inis, may naramdaman pa akong iba, iyun ay ang magka gusto sa kanya, I mean May nagustuhan ako sa kanya noon. At iyun ay ang way niya noon sa countings ng steps namin...

"Okay guys from the top. Double time. Okay and 2 and 3, two and three and four. Clap clap two two three four."

Di ata naturo sa kanya ang one? Pero siyempre alam niya yun, ganun lang talaga siguro siya noon.

Tapos may bida bida siyang kasama na sireyna noon eh. Yun ang grabe, grabe mamahiya.

"Hoy! Yung naka pula taase pa ang kamay, yung may ensaymada sa ulo bend mo pa tuhod mo. Kuyang naka bench n bath tigas tigase!"
Ako yung naka bench n bath.
Idedescribe ka talaga niya at ewan ko kung noon na ay hinahanap pa ng mga nanonood kung sino yung naka pula or kung sinuman yung dinedescribe ng kaibigan ni Magdamit.

Hi! Open Minded Kaba? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon