"Ano ka ba, Aver! We have the same braincells kasi! Kung anong naiisip mo, naiisip ko rin!" Tawang-tawang sabi niya.

"Kapal naman ng mukha nito! Diyan ka na nga! Alis muna ako, Aver. Punta lang ako library, napaka-ingay ng isa diyan! Tsk." Tumayo si Leigh at iniwan na kami ng unggoy na 'to na tuloy pa rin sa pagtawa.

"Kabagin ka sana." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkukulay.

"Tss. Basta M'lady, ah. Digital art sana kasi ipo-post ko sa page ng business ko. Ise-send ko na lang sa'yo yung additional information mamaya. Tinatamad pa ako mag-isip."

Alam ko namang kung hindi lang siya busy sa pagiging nursing student ay magagawa niya na 'yung digital art. Marunong din naman kasi 'yang si Ceres. Wala lang talagang oras dahil laging nasa hospital.

Bihira ko na nga lang din siya makita sa university. Kapag may mga ipapagawa siya sa akin na mga ganito ay madalas sa message lang kami nakakapag-usap.

Kaya ayun, kahit hindi nakakapagkita, nanantili pa rin yung closeness namin. Madalas kasi siyang mangulit lalo na't alam niyang hindi ko talaga matatanggihan 'tong mga commission na 'to. Isa sa mga dahilan talaga doon ay dahil mataas magbigay si Ceres. Natawa ako nang maalala ko kung magkano ang naging huling bayad niya sa'kin. Nakaya kong bayaran yung isang buwan kong renta sa dorm.

Tinanong ko na lang si Ceres kung wala na ba siyang pasok ngayong araw. Kagagaling niya lang pala sa hospital kung saan kinailangan niyang mag-assist sa isang resident doctor. Tapos dumiretso na lang siya dito sa university para hintayin ang susunod na oras ng klase.

"Kumain ka man lang ba muna?" Tanong ko. Malapit nang matapos ang kinukulayang bulaklak.

"Duh! Siyempre! Makakalimutan ko ba 'yon?"

"Tss. Patay-gutom." 

Inirapan niya lang ako.

Nang natapos ko ang bulaklak ay inangat ko ang coloring book at sinubukang tignan mula sa malayo.

"Wow! Ganda niyan, Aver. Pwede mong i-post yan sa art page mo." Binigyan ko lang siya ng ngiti. Ibinaba ko na muli ang coloring book at isinandal ang dalawang siko sa lamesa. Ang baba ko naman ay nakapatong sa aking nakayukom na mga kamay.

"Ay! Oo nga pala! Kailan ulit yung sunod niyong laro?"

"Akala ko ba avid fan ka ni Leon? Bakit 'di mo saulo schedule ng mga laro niya?"

"Fan ako, pero 'di nasusukat yung pagkagusto ko sa kaniya sa kung saulo ko man yung schedule niya o hindi." Sumuko na lang si Ceres at sinabing sa Thursday na iyon ng hapon.

Dalawang araw mula ngayon. Napa-isip tuloy ako kung may mababangga bang extra-curricular ko sa oras ng laro nila.

"Aver!" Naputol ang pag-iisip ko ng may tumawag sa akin. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggaling iyon at nalamang si Sage pala, kasama si Leon. Napa-ayos tuloy ako ng upo.

Hindi ko sinagot si Sage at lumipat agad ang paningin sa katabi niyang si Leon. "Hi! Leon! Upo ka dito, oh!" Sabay turo sa katabi kong upuan. Pero hindi niya man lang siya nagbigay ng kahit na anong tugon at diretsong tinignan si Ceres para mangamusta.

"Aver, gusto mo sumama sa'kin sa hospital bukas? Pa-check ka ng mata mo, nagiging hangin kasi mga tao kapag nakikita mo si Leon." Seryosong sabi ni Ceres sa gilid ko kaya binatukan ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Kawawa naman si Sage hindi pinansin ni Aver." Dagdag na pang-aasar ulit ni Ceres nang makalapit na sila sa amin.

"Aver, favor!" Bungad sa'kin ni Sage. Ha! Buti nga't 'di niya pinansin si Ceres.

He Loves Me, He Loves Me Not (College Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat