Napatingin

12 0 0
                                    

March 18, 2014

Pagkatapos ng mahigit dalawang linggo kong pagtatrabaho sa bagong kumpanyang pinpasukan ko, sa wakas, nakilala ko rin kung sino si Miko.

        "Oy, kayo pala yan!", sabi ni Miko.

Nasa elevator kami nun ng kaibigan kong si Steph. Pabalik na kami nun sa office pagkatapos naming kumain ng lunch sa isang mall sa Manila.

        "Oy si Miko pala to!", sabi ni Steph.

        "Sabi ko na nga ba kilala ko tong mga to eh! Anong ginawa nyo dito?" tanong ni Miko.

        "Lunch." sagot ko.

Habang nagsasalita ay napalingon ako kay Miko. Sa hindi malamang dahilan ay na-focus bigla ang tingin ko sa pisngi nya. Mamula-mula. Flawless kahit pa may maliliit na bigoteng nakatubo sa itaas na bahagi ng labi nya. Ang ganda rin pala ng mata nya. Singkit. Chinito. Parehas kami. At higit sa lahat, napakalinis nyang manamit. Mukha at amoy mabango kahit hindi amoy pabango.

        "Ako papasok palang eh." si Miko.

Tatango-tango lang kami. Palihim ko pa ring tinitingnan si Miko. Sabi nga sa kanta ng Moonstar 88, sa gilid ng mata tinitingnan kita... Naisip ko bigla, may dahilan naman pala kung bakit type sya ni Steph.

Ms. AssumeraWhere stories live. Discover now