#7

23 3 0
                                    




"Yes, malapit na ang tournament!", puno ng sayang sambit ni Cindy habang masusing pinagmamasdan ang hawak niyang raketa. Matagal na simula nung try out at maswerteng parehas kaming nasama.



"Hala!Galingan niyo!Kaya niyo yan", proud na dagdag ni Nicole, para namang lumulutang ang isip ko sa ere, hindi ko maimagine ang sarili kong naglalaro sa harap ng maraming tao!



"Ako pa!", mayabang na sabi ni Cindy. Hindi ko alam na gayong magtatatlong linggo palang kaming nag-eensayo e isasalang na agad kami sa isang kompetesyon. Masyado silang nagtitiwala saamin!



"Single kaba?", baling ko kay Cindy nang maalala hindi ko pa pala siya natatanong kung mag-isa siya o may kasama sa isang laro.


Sumama naman ang tingin niya saakin."Oo, bubu! May nakita ka bang jowa ko ha!", singhal ni Cindy. Boplax!


"Bubu!", nagtataka naman akong nilingon ni Cindy, si Nicole naman ay kanina pa palihim na tumatawa habang nakahawak sa tiyan.



Nang sawakas ay matauhan, napakamot siya sa likod ng ulo niya."Ah hindi.... doubles ako!", napapahiyang sagot niya, napangiwi nalang ako.



"Yow, how are guys!", napalingon kaming tatlo kay Brian nang malakas niya kaming batiin. Nasa tabi niya si Tyler na may dalang dalawang bote ng dalawang mineral water ganun din si Brian may hawak ding dalawang bote pero juice yun.



"Oh okay lang kami ugok!", sagot pabalik ni Cindy, nang lingunin ko naman si Nicole ay nandoon na siya sa may upuan! Hindi ko manlang napansin na naglakad siya papunta dun! Kinalabit ko naman si Cindy at itinuro ko si Nicole. "Pano napunta yun doon?", gulat na tanong niya kaya napakibit-balikat nalang ako.



"Uminom ka, pagod ka sa training", kasabay nun ang pag-abot saakin ni Tyler ng isang bote ng tubig. Buti ay hindi niya na nababanggit ang nangyari noon. Malamang ay pansin niya rin na hindi ko gustong pag-usapan yun. Napabuntong-hininga kung kinuha ang bote.



"Salamat!", ngiti ko naman pabalik sakaniya. Sumunod na kami sa tatlong nauna na roon.



"Huyy, asan yung akin ha! Madaya ka!", naabutan namin nagtatalo sina Brian at Cindy."Bakit siya meron!"



"Gusto mo?", abot sakaniya ni Brian, umamba na si Cindy para abutin iyon pero agad na inalayo ni Brian ang bote.



"Aba! Bumili ka", dinilatan niya pa si Cindy, mukhang napikon naman siya dahil padabog siyang umupo sa tabi ni Nicole. Inabot naman sakaniya ni Nicole ang juice na siyang ikinasimangot ni Brian. Kawawang Brian.



"Sayo na! Ang ingay e!", inis na usal ni Nicole habang ang paningin ay nakatuon parin sa kaniyang libro.



"Kinakabahan ka?", napataas ang dalawa kong balikat nang marinig ko ang malamig na boses ni Tyler mula sa likod agad akong napalingon sakaniya.



"G-grabe magtanong a!", tumawa lang siya ng mahina, ang cute! "Ayos lang hindi narin masakit yung braso ko. Nasanay na siguro", napahawak pa ako dun, noon kasing simula palang ang training, kumikirot talaga nang sobra.


"Good", nakangiti niyang sagot. Grabe ang pagpipigil ko sa pagngiti kaya nakayuko nalang ako.


Narinig ko naman ang mapang-asar na tawa ni Cindy."Okay lang naman kiniligin paminsan-minsan", pagpaparinig niya, sinamaan ko siya ng tingin, natawa rin ng mahina si Nicole kaya tinaasan ko siya ng kilay,  agad-agd siyang bumaling ulit sa libro. Napairap nalang ako sa hangin.


Admiring Memories Of Him Where stories live. Discover now