#8

23 3 0
                                    




"Well!Welcome to Our District Instramurals!!!!", isang masigabong hiyawan at palakpakan ang sumalubong saamin pagkapasok namin sa covered court. Kinakabahan man ay napabuntong hininga nalang ako. Shet! Ito na na talaga! wala ng atrasan to! Nanlalamig akong nagtungo sa bleachers ng school namin. Iba-iba ang kulay ng mga jersey ng mga taong nagsisipasukan at nagsisilabasan. Kulay blue and white ang sa school namin.



"Aray!", napalingon ako sa isang babaeng tumatakbo na nakabangga saakin. Muntik na akong matumba doon ah!



Naluluha ang mga mata niya ng lumingon siya saakin. Halatang mas matanda siya saakin."Sorry, hindi kita napansin.", paumanhin niya habang pinupunasan ang mga mamasa-masa niyang mata. Ba't siya umiiyak e ako naman ang nabunggo niya.



"Naku, okay lang. ", tawa-tawa kong sagot, ngumiti lang siya pero mukhang malungkot parin ang mga mata. "Melantha nga pala", pagpapakilala ko.




"Carlisle", kasabay nun ang pakikipagkamay niya.



Mas lalo akong napangiti. "Huwag ka nang umiyak", pagpapatahan ko sakanya.



"Kanina ko parin gusto matigil to pero tuloy-tuloy parin", natatawang saad niya."Pasensiya na ulit ha, Melantha pero mauuna na ako", paalam niya.



"Okay lang. Sana magkita pa tayo ulit, Carlisle!", masayang sabi ko, nakangiti lang siyang kumaway saakin at saka na umalis. Ewan ba, parang anggaan ng pakiramdam ko sakaniya at in fairness ah ang pretty niya.




"Kanina pa kami naghihintay sayo!", sumalubong saakin sina Cindy at Nicole."Alam mo ba, andaming gwapo kanina hehehe", kinikilig na sabi ni Cindy habang nakahawak sa pisngi.



"Oo, kanina pa siya tili nang tili kaya pinagtitinginan na kami dito. Nakakahiya!",  bulaslas naman Nicole, napababa ang tingin ko sa kartolinang dala-dala niya. GO! MELANTHA AND CINDY - San Felipe Catholic School. Napailing ako matapos mabasa ang nakasulat sa kartolina pero talagang maganda ang pagkakaguhit niyon.




"Baka maexpose ang pangalan ko diyan ah!", pasigaw kong sabi dahil sa ingay dito sa loob kailangan mo talagang lakasan ang boses mo para marinig ka ng kausap mo.




Natawa naman si Nicole. "Huwag kang mag-alala girl, pangalan lang maeexpose sayo ni hindi ka nga nila kilala.", ugol niya.



"At isa pa hindi ka sikat, hindi katulad ko na kinakawayan ng lahat", singit ni Cindy na siyang ikinairap ko. Wala namang pumapansin sakaniya, napakafeelingera ng kaibigan ko e no!




"Hala! May nakikita ka bang hindi namin nakikita, baka may third ka ah!", pang-aasar ko naman na siyang ikinasimangot niya, tumatawa lang naman si Nicole sa tabi niya."Huwag ka kasi masyadong nag-iilusyon, nakakatakot na e!", pang-iinis ko lalo sakaniya."HaHaHaHaHaHa"




"Huwag mo kong pagtuunan ng pansin, bantayan mo yung jowa mo doon", turo niya Tyler na kung sino-sinong babae ang kausap! Halatang natutuwa pa siya dahil tudo ang pagngiti niya kaya kitang-kita ang dimples niya!



"Ayy, ba't parang may nagseselos. Akala ko ba friends lang?", pang-iinsulto ni Cindy. Salbaheng kaibigan kahit kailan at anong sabi niya ako nagseseselos. Bestfriend ko kaya si Tyler kaya ba't ako magseselos.  




Tinaasan ko ng kilay si Cindy nang tumatawa-tawa pa."Bestfriend ko yun ginagawang mo ng malisya",  natatawa kong usal habang pinapanood parin si Tyler mula dito sa bleachers.



"Bestfriend ka diyan!Ewan ko sayo!", tawa-tawa niyang sumbat.




"Melantha, Cindy", napabaling kami ni Cindy sa tagiliran  nang sabay naming marinig na may tumawag saamin."Halina na daw kayo at magready na sabi ni coach malapit na ang badminton", paalala ng isang grade 10 student saamin na si ate Jasmine.



Admiring Memories Of Him Where stories live. Discover now