Masaya at magiliw naman siyang sumagot sa akin. "Sige, kita nalang tayo bukas." Sabi niya at naglakad na papunta sa team niya.

Bawat team ay may sariling place kung saan sila mag-uusap at ang may sariling office lang ay ang head at mga manager, may dalawang marketing manager at may isang head ng marketing.

Dire-diretso lang akong naglakad papunta kay Veroi at ramdam ko ang talim ng mga titig nila sa akin. Pinagsawalang bahala ko nalang ito, nilapag ko sa kanya ng maayos ang sandamakmak na papel na pinahanap niya at unang una na roon ang pinaka mahirap hanapin.

Kahit maayos naman ang pagkakalapag ko ay hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Bakit parang nagdadabog ka?" Pabalang niyang sabi sa akin.

Kumunot ang noo ko pero mabilis ko iyong inalis sa mukha ko. "H-hindi naman sa ganon, inayos ko na nga pala ang pagkakaayos ko." Mahinhin kong sabi.

Rinig ko naman ang mahinang mga bulungan sa gilid namin. Pinanatili ko ang mahinhin at kalmado kong mukha pati narin ang boses ko, hindi ko alam kung bakit ba kailangang araw araw ay pinapahuya niya ako.


Tumaas ang isang kilay niya at mataray na tumingin sa akin. "Oh sige, umalis ka na dito at baka magulo mo pa yan. Bumalik ka na sa upuan mo at gawin mo ng maayos yang trabaho mo. Nakakainis." Matapang niyang sabi sa akin.

Alam mo, Veroi, kung hindi lang talaga ikaw ang marketing manager ay baka nasampal na kita dahil sa paraan mo ng pagkausap sa akin.

Bumuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinasabi ko sa isip ko at lumakad na papunta sa pwesto ko.

Umupo ako at kita ko ang pagkukumpulan nila, halata kong ako ang pinag-uusapan nila dahil pagkatapos mag-usap ay tumitingin sila sa akin.

Yumuko nalang ako at mahinang napabuntong hininga. "Lagi nalang." Bulong kong sabi habang nagsusulat ng kung ano-ano.

Dahil wala naman na akong gagawin ay hinintay ko nalang na matapos ang working hours. Hindi ako gumagamit ng cellphone dahil alam kong pag-uusapan nila ako.

Ang issue lang naman dito ay girl friend ako ng anak ng may-ari ng kompanya, kaya heto ako at nagiging impyerno ang buhay.

They hate me because of the fact that I am the heirs girlfriend, iniisip nila na natanggap ako sa posisyon ko dahil lang doon.

But little did they know, kung hindi nila ako gusto ay hindi rin ako gusto ng magulang ni Toff but I will do everything to be worth it for their son.

Since we started, ayaw na talaga sa akin ng magulang niya and since we started I also start to earn my worth for their son.

Mahal na mahal ko si Toff at alam kong mahal din ako ni Toff kaya naman mas lalo kong gustong matanggap ako ng mga magulang niya.

Our work ended, nasa labas ako ng office so I took out ny phone in my bag ng marinig ko ang pag ring nito.

"Hello, Toff?" I answer to my boyfriend's call.

"Babe, I want to eat with you." He said it using his baritone voice.

I smile because of his voice, his voice makes me feel comforted and safe.

"Mm, at my place?" Pagtatanong ko sa kanya.

He laugh with his baritone voice kaya pakiramdam ko kinikilig ako. "Okay, baby. See yah'"

I ended the call and just ride a taxi. I never have a car, ni minsan ay wala akong oras para mag-ipon sa ganoong bagay, pakiramdam ko ay hindi iyon mahalaga kahit na ang lahat ng ka trabaho ko ay mayroon din non.

Embracing the SeaWhere stories live. Discover now