Pagkatapos naming kumain, she tried to look at her wound. I took a glance of it.

"Hindi ko na tatanungin kung masakit ba 'yan o hindi because it is obvious already. Namamaga na ang sugat mo," I said but Aria remained silent. Ano na naman ang problema ng isang 'to?

"You can talk to me kung hindi mo mamasamain," I sarcastically told her but still, no words came out from her mouth.

"Now you are really annoying me! Bakit ka ba hindi nagsasalita?!" I angrily hissed at her. Nakakainis kasi. Kanina lang ang daldal niya tapos bigla na lang siyang tatahimik. Kung hindi ba naman nang-iinis ang isang 'to.

"Ewan ko sa'yo, Fire," she said and closed her eyes. Nakakafrustrate kasama ang babae na 'to!

"Aalis na muna ako," I mumbled. Akala ko pipigilan niya ako at sasabihin na 'wag ko siyang iwanan dito pero nainis lang ako lalo sa sagot niya.

"Go on. Umalis ka lang," she said and that's the very moment that I walked away from her.

Saan ako pumunta?

Dito lang sa ilog. Yes. Malapit lang naman pala kami sa ilog. Hindi ito ang patibong ni Valgemon. Ito na talaga ang ilog ng maze na 'to. And what am I doing here? Well, mas gusto ko pang mag-isa dito kaysa samahan ang babae na 'yon doon. Ang galing lang niya mang-inis!

Kai's POV

Sa sobrang pag-alala ko kay Aria, hindi ako makatulog. Hindi ko naisip na pwedeng pasukin ng kapangyarihan ni Valgemon ang maze na 'yon. Lahat kami nagulat. Noong natapos 'yong pag-uusap namin kanina nina Fire, I had a talk with Ciero and Heiro. They told me the possibilities kung paano napasok ng kapangyarihan ni Valgemon ang maze. Sabi nila posible daw na dahil sa mga hindi nagkakasundo na elemental people kaya mas madali na magamit ni Valgemon ang darkness manipulation power niya. Syempre, nababalot din ng kadiliman ang maze. Actually, malakas ang kapangyarihan niya kapag nababalutan ng dilim ang isang lugar. May kakayahan siyang imanipulate ang kahit sino lalo na kung mahina ang tao na 'yon. Thankfully, hindi niya naloko si Aria.

"Kai, ready na ang mga gamit natin," Thea said. Hindi rin pala siya nakatulog. For sure nag-aalala rin siya. Ang alam ko, may meeting ngayon ang lahat ng head ng bawat kingdom. Sina Heiro (air), Ciero (water), Zeira(earth) at Ferno (fire). Pag uusapan nila ang tungkol sa maze. Kami lang nina Thea ang maaaring pumunta sa maze dahil kami lang ang may kakayahan na gamitin ang kapangyarihan namin doon.

"The only possible way for us to get out of the maze is to find the ten right ways. Tama?" I asked her. She's busy about packing our things.

"Yes. Ciero can only bring us in the maze but he's not able to give us a way to get out of that place so we really have to find the ten right ways. But of course, may isa pang paraan. Kapag lahat tayong apat ay agad na nagkasundo sa maze, may posibilidad na kusang magpakita sa atin ang labasan kahit hindi na natin mahanap ang ten right ways," she explained. Tumango na lang ako sa kaniya then there's someone who knocks on our door. It's already 4:56 in the morning.

"Ako na ang magbubukas," Thea said. Pagbukas niya ng pinto, nagulat ako na si Tyrone ang pumasok at kasama niya sina Laydon, Ela at Nuraya.

"We heard about Aria and Fire," He said. Paano nila nalaman?

"How did you know?" I asked them.

"Nasalubong namin sina Ciero kanina and they were talking about it. Okay lang ba si Aria?" Si Aria pala talaga ang concern ng isang 'to. Sabagay. Magtataka ako kung kay Fire siya concerned.

"Okay lang sila. Pupunta kami doon para tulungan silang dalawa. Hindi kakayanin ni Fire ang atake ni Valgemon kung siya lang mag-isa because we all know na hindi pa kayang gamitin ni Aria ang iba't-ibang klase ng Air attacks," Thea said.

"Pwede ba kaming sumama?" asked by Laydon. Sira yata ang isang 'to. Hindi niya ba alam na mawawalan sila ng kapangyarihan doon dahil normal na elemental people lang naman sila?

"You can't come. Hindi kasi gagana ang kapangyarihan ninyo sa Maze. Kami lang na anak ng Diyos at Dyosa ng kaharian ang pwedeng pumunta doon nang hindi nawawala ang kapangyarihan namin," Thea explained. Tumango lang sina Ela. Tapos may binigay sila na mga dadalhin namin. Lumabas na 'yong tatlo pero si Tyrone, naiwan.

"May kailangan ka pa ba, Ty?" tanong ni Thea.

"Just make sure na magiging okay si Aria. Please." And I knew that moment, he likes Aria.

Papunta na kami kay Ciero. Ready na lahat ng kakailanganin namin.

"Ang goal ninyo ay makalabas sa maze as soon as possible. Okay?" sabi ni Ciero. Nandito lahat ang head ng bawat kingdom.

"Thea, alam mo naman kung paano mo makakausap si Ciero hindi ba? Call him when you need us," Heiro said and Thea flashed a smile at him while nodding her head.

"Hindi ko alam kung saang parte ng maze kayo dadalhin ng tubig na 'to. Sana lang ay sa mismong lugar kung nasaan sina Fire," Ciero said and I am hoping for the same thing. Sana nga.

"Tara na, Kai. We don't have so much time." And then we waved at them then entered into the water made by Ciero.

And finally, nandito na kami sa maze. Unfortunately, there's no sign of Aria and Fire. Great. Maghahanapan pa kami.

"Nakakainis naman. Akala ko pa naman sakto sa lugar nina Aria 'yong mapupuntahan natin," Thea complained. Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya.

"Wait, I'll call Fire," she said.

"Paano kung wala namang malapit na tubig sa kanila?" I asked her. Hindi niya kasi makakausap sina Fire kung malayo sila sa tubig.

"I'll just try. Fire, can you hear me?" Thea said on the water ball she made on her hands.

"Fire, go to the water if you can hear me." Ilang minuto pa kaming naghintay. Aalisin na sana ni Thea 'yong tubig sa kamay niya when Fire popped up.

"Thea?!" he said. Teka, nasaan si Aria? Bakit si Fire lang ang nakikita ko?

"Nandito na kami sa maze. Nasaan ba kayo banda?" Thea asked.

"Malapit kami sa ilog." Noong sinabi niya 'yong word na kami, nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin, kasama niya si Aria.

"Okay. Ako na ang bahala," Thea replied. Pagkatapos ng pag-uusap nila, tiningnan ako ni Thea.

Nag-umpisa na kaming maglakad. Sinusundan ko lang si Thea. Tiwala naman ako sa kaniya e. She is full of wisdom kaya alam ko na sigurado siya sa mga dinaraanan niya. Madalas din siyang pumunta sa library sa Elemental Kingdom. Kapag hindi namin siya nakikita sa Elemental Field, ibig sabihin lang no'n na nasa Library siya.

"I have read about this maze one time. Madali lang sa atin ang makaalis dito basta magkakasundo tayo," she said. Hindi ako fond of reading. Nagbabasa lang ako kapag kailangan. Pero kapag wala lang? Mas trip ko pa na matulog.

"I think malapit na tayo sa kanila," she said and I agree with her. Why?

Dahil naririnig na namin ang sigawan nina Aria at Fire.

"Leche ka! Iniwan mo ako tapos ngayon babalik ka at ikaw pa ang galit?!" That's Aria. I know her voice. I am glad na okay siya.

"Natural magagalit ako sa'yo! Paano kasi, nakakafrustrate 'yang ugali mo!" And I am sure na si Fire 'yon. Nagkatinginan kami ni Thea at bigla kaming natawa.

"Buti na lang talaga, pumunta tayo dito. Or else, hindi na sila makakalabas pa sa maze na 'to," she said and I smiled at her. Tama siya. Kung sina Aria at Fire lang, mahirap talaga na magkasundo silang dalawa.

Naglakad pa kami papunta sa nagsisigawan na 'yon and when we saw them, bigla akong tumakbo papunta sa lugar ni Aria and I hugged her tightly. So tight that I didn't notice that Fire and Thea gave me weird looks.



Pero ang mas nakakagulat sa lahat ay noong makita namin na biglang umapoy ang kamay ni Fire.



Miss Ai

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon