CTMDP special chapter

1.2K 33 0
                                    

Jace's P.O.V.

"Aaaaah!s--sinu ka?!"- tanong nya na kahit nakapiring ang kanyang mga mata ay mababakasan ng takot ang buo nyang pagmumukha.

Magbabayad ang halimaw na ito sa kanyang kasalanan sa aking asawa.

Hinigpitan ko ang tali nya sakanyang paa at kamay

"Sinu ako?.."

At sa pagmutawi nang mga salitang yan ay ang hindi ko mapigilang paghalakhak na animoy isang demonyo sa nasasaksihan.

Kinasal na kami ni Thea at masasabi kong masaya na kami kapiling ang aming dalawang anghel...nakalimutan na rin nya ang madilim nyang nakaraan,ngunit ako ...kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko yun makakalimutan.kung paano nya pinahirapan ang buhay ng taong mahal ko at kung paano ito nasira,naghanap lang ako ng tyempo para matuklasan kung sinu ang gumawa nun sakanya dahil kahit anung gawin kong pangungulit at paglalambing sakanya para lang tanungin kung sinu ang pangahas na yun na saktan ang taong mahal ko at pagmamay-ari ko ay hindi nya masabi...para saan pa ang mga yaman ko kung ang bumaboy sa asawa ko ay hindi ko maparusahan...

"...ako ang asawa ng taong binaboy mo tarantado!!"- napakunot sya sa pagbubunyag kung iyon kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" sinungaling!

Kung sabagay sinu ba namang hangal ang aamin sakanyang kasalanan,para mo nang pinakulong ang sarili mo sa bilibid.napailing nalang ako.

"Paano mo naman makakalimutan ang taong kinuha mo ang kainosentihan na ni minsan ay dika nya tinuring na iba,tinuring ka nyang kaibigan!..pero anung iginanti mo ha!...magdasal ka na dahil mas hihilingin mo pang mamatay kaysa magdusa sa gagawin ko sayo." nagngingitngit ako sa galit.

Tumalikod ako sakanya pero napatigil ako sa kadahilananang ginagalit ako ng taong ito.

"Hindi mo sya pagmamay-ari kung sinu ka man!..akin sya!..akin lang sya!!wala akong pakialam kung patayin mo man ako...I love her!!..akin sya!!" nag- ngitngit ako humarap sakanya at saka ko pinadapo ang aking kamao sakanyang mukha dahilan para matanggal ang kaunting tela na nakatakip sakanyang mata.Nagdilim ang aking paningin.ilang beses kong pinadapo ang aking kamao sakanyang mukha ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sakanya,iniisip ko kung paano nya pinahirapan nun ang babaeng mahal ko...nagmakaawa kaya sya?takot na takot?

Sa munting isipin na yun ang dahilan kung gaano ko kagustong ilibing nang buhay ang taong ito,sa sobrang galit ko sa taong to ay ni hindi man lang ako nakaramdam ng hapdi sa pagsuntok sa mukha ng gago,kung di ko pa nakitang tumulo ang dugo saking kamao ay hindi ko mapapansing kanina pa pala sira ang mukha nya,ni hindi ko rin makilala ang dating kanina ay lalaking matapang,tss sinu sya para pagsamantalahan ang asawa ko.

Mahal?mahal nya daw si Thea...tss subukan nya lang na lapitan pa ito at di ako magkakamaling patayin to...pasalamat sya at may katiting na awa pa ako.

Pinakalma ko ang aking sarili at saka lumayo sakanya at dinukot ang aking cellphone at di-nial ang numero ng aking tatawagan.

"Pumunta kayo rito at may huhulihin kayo..." bungad ko saking kausap na pulis para ipahuli si Xander.Sinabi ko kung saan ang address at inayos ang pagkakatali nya,mahirap na baka makatakas pa.

Andito kami ngayon sa isang warehouse dito sa probinsya,hindi alam ng butihin kong asawa na nandito ako,nagdahilan ako sakanya na may business meeting sa isang probinsya,nung una ay nag-alangan pa sya pero ng kalaunan ay pumayag rin,ayokong sabihin sakanya ang totoo dahil alam kong hindi sya papayag..

"Hulihin nyo sya at siguraduhing mabubulok yan sa kulungan!..."- nagngingitngit long saad sa pulis habang nakatingin ng masama kay Xander.

"T-teka ba-bakit nyo ko huhulihin?!...wala akong kasalanan!!..inosente ako!ano ba!..pakawalan nyo ko!"

Kasabay nun ang pagposas sakanya ng mga pulis at kinaladkad na palabas dahil pumapalag pa sya.

Kinausap ko lang sandali si hepe tungkol sa kaso at nangako namang mabubulok sya sa kulungan.

Sa tingin ko ay sapat na yun na parusa para sakanya,kahit gusto ko syang ilibing ng buhay,mas mananaig pa rin ang kabutihan para sakin dahil yun ang turo sakin ng asawa ko.

Kailangan kong magpatawad at ibaon sa limot ang nakaraan.

Mahal na mahal ko ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat para mapabuti ang maging masaya sila sa piling ko.

Chained to my dark past(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon