i.

6 0 0
                                    

*

BREAKING NEWS: Vlogger Lauriz Dela Cruz, dahilan ng hiwalayan ng SabXen? (see photos attached below)


" Lauriz! Naku po. Ano nanaman 'tong scandal na ito ha? Di mo ba alam na nauubusan na tayo ng sponsors dahil sa mga past issues about you? Good Lord, Lauriz. Cheating allegation naman ngayon?" 


Kasalukuyang nakaupo si Lauriz habang sinesermon siya ng manager niya dahil sa balitang kumakalat nanaman sa social media. Normal na scenario na ito sa kwarto niya sa agency building. Minsan nga, naghihintay nalang ang manager niya ng panibagong balita na lalabas tungkol sa kanya dahil malabong malabo ang hindi madawit ang pangalan na Lauriz Dela Cruz sa kahit anong scandal na nagttrending sa Twitter.


Pasinghal na iniangat ni Lauriz ang kaniyang ulo matapos basahin ang mga articles ng mga media outlets tungkol sa bago niyang 'scandal' atsaka siya sumagot kay Cris na halatang umiinit lalo ang ulo habang nags-scroll sa Twitter trendlist nito.


"Cris, you know what? Leave them be. Bago pa ba yung sinusundan ako ng issue everywhere I go? Xen and Sabrina broke up already nung nakuha yung photo namin ni Xen sa restaurant three months ago. I honestly do not know bakit ngayon inuungkat ng press yan. Worse, yung mga baby bra warriors ng love team nila, ako agad inaatake. When will I ever get a break? Ugh." Binato niya ang kaniyang phone sa kabilang dulo ng sofa habang isinasandal ang kaniyang ulo sa pader. 


Issue nanaman. Bago pa ba iyon?  Kahit ano atang gawin niya naiisue naman. Why bother to clear up her name?


Nakakunot ang noo ng dalaga at ganun na din ang noo ng binatang kulang nalang ay magwala na dahil sa laki ng stress na dala ng panibagong problema na dala ni Lauriz. Tinitigan siya ni Cris ng iilang segundo bago tinabihan siya sa sofa at inilapag ang phone niya sa coffee table na nasa gilid nito. Wala na itong magawa kung hindi idaan ang mga kamay nito sa sarili niyang buhok bago niya sinapo ang kaniyang noo gamit ang kaniyang kanang kamay. Tahimik siyang pinagmamasdan ni Lauriz na tila hindi na naapektuhan sa mga ganoong pangyayari sa manager niya.


"Paano ka naman makakalayo sa issue if ikaw mismo lumalapit sa issue? Remember that one time sa bar nung nakipag sabunutan ka while drunk? Or, yung time na tinarayan mo si Selene sa isang Youtube event? Kalat na sa lahat na may attitude problem ka and honestly, ubos na ang ideas ko kung paano pa lulusutan itong latest problem mo. Kailan ka ba matututo?" 


Walang emosyong ibinaling ni Lauriz ang kaniyang atensyon sa manager niyang halos maging kamatis na sa pula ng pisngi nito. Totoo naman ang sinasabi niya pero hindi naman siya ang nagsimula ng lahat ng away na iyon. Siguro kung hindi na siya pinapansin gaano ng mga epal sa buhay niya ay di naman siya magkakaroon ng rason para mag eskandalo. Nanatiling nakatikom ang mga labi niya sa pagdadahilan dahil siguro din naman siyang magmumukha pa din siyang masama kahit anong explanation pa ang gawin niya.


Tumayo na si Lauriz sa kinauupuan niya habang nakataas ang dalawang kamay niya sa ere. Humarap ito ng panandalian kay Cris bago nagsalita muli,  "Basta ako, I don't really care anymore. I'm out."


Umiling ito ng ilang beses habang yumuyuko at pinupulot na ang kaniyang mga gamit sa mesa sa tabi na Cris pati na rin ang phone niyang binato niya kanina sa dulo ng sofa. Palabas na sana siya ng pintuan nang nagsalita muli si Cris na naging rason sa pag-irap niya bago niya tuluyang iwan ito sa office ng agency niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Date Me!Where stories live. Discover now