Chapter 6

18 2 0
                                    


N

akatingin lang ako sa likod ni Doc Hiro habang naglalakad siya papaalis. Hindi ko alam kung bakit, pero bahagya akong nakaramdam ng kunting kirot sa dibdib habang tinatanaw siyang papalayo.

Wala sa plano ko ang ma attract sa isang lalaki,lalo na kay Hiro Ramirez. But seeing him walking away now, is making me think.

Ganoon nalang ba iyon? Hindi ko pa nga siya binabasted, hindi na niya agad itutuloy ang panliligaw? Oh, wait. Nanliligaw nga ba siya sakin? Gusto ko bang ligawan niya ko? Darn! What im thinking... I hate you mind.

Naguguluhan na ako sa mga iniisip ko ngayon. Na pa tingin ako sa hawak kong maliit na box. "He's Friday Gift." Dahan-dahan kung itong binuksan, sa loob niyon, nakapatong ang kulay pink na tissue paper ang isang pilak na dream catcher keychain na may kulay purple na bato at sa tingin ko ay isang amethyst.

Anak ng tinapa naman, oh! Bakit ba lahat ng regalo niya ay sapol sa kaibuturan at kaluluwa ko? Hindi na ako nag dalawang isip pa at mabilis na lumabas ng opisina. Nakita ko siyang naglalakad na patungo sa isang kulay dark green na BMW.

"Doc. Ramirez!" Sigaw na tawag ko sa kanya, kaagad naman siyang bumaling sa akin. Nang makita niya ako ay, ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa mga magagandang mata niya.

"Doc," tawag ko ulit saka tumigil sa harapan niya. "Hiro." Nakita kong nagulat siya nang sambitin ko ang pangalan niya sa kauna-unahang pagkakataon. "Sorry, busy kasi ako ngayong tangahalian," simula ko. At kung mali man ang susunod kong sasabihin bahala na si Batman. "Pero maaga ako uuwi mamaya. Kung okay lang sa'yo na mamaya na lang tayo lumabas."

Ayon, umabot na sa mga mata niya ang ngiti. "Okay lang." sagot niya naman sakin.

Tumango naman ako bilang sagot. "Saan mo gustong magpunta? Magkita nalang tayo doon." Suhisyon na sabi ko.

Umilig naman agad siya. "Susunduin na lang kita naka-off duty ako ngayon sa hospital kaya wala naman akong gagawin. Ikaw saan mo ba gustong pumunta?"

Saan nga ba?Susme, pumayag akong sumama sa kanya para maghapunan. Ngayon palang ata ay kinakabahan na ako. Kailan ba yung huling beses na nakipag date ako? OhhMyyyy, si Aquino pa ata ang presidente noong mga panahon na iyon! Parang gusto ko nalang bigla bawiin ang desisyon ko, pero paano ko naman iyon gagawin? Pwede ko bang sabihin na lang bigla na 'Joke lang' busy pala ako, ayuko ko ng sumama. Ganun?

Nagkibit-balikat nalang ako saka sumagot. "Ikaw na bahala," sabi ko. "Basta wag iyong masyadong sosyal na kainan."

"Okay, ako na ang bahala. Anong oras kita susunduin?" Tanong niya.

"Mga alas seis?"

"Okay," maikling sagot ni Hiro. "I'll pick you up at six." he said, saka ngumiti ule sa akin.

Hinatid niya muna ako sa entrance ng building namin bago muling bumalik sa kotse niya. Habang pinanood ko ang pag-alis ng sasakyan niya ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng pag-aalinlangan.

I let out a deep sigh and say to myself , "Dinner lang ito. Magpalalibre ka lang ng hapunan, Ivy. Libreng masarap na pagkain at saka libreng pamasahe. Iyon lang, wala nang iba." Sabi ko sa sarili ko.

But somehow, hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi ko sa sarili ko. Because i know, deep inside i felt something a little towards him.Susme!kung wala ba naman, papayag ba akong sumama sa kanya? Kasi kung hindi ko siya gusto, kahit maglumpasay siya sa sahig o tutukan pa ako ng baril, hinding-hindi ako papayag makipag date sa kanya.

Pero hindi pwede. Hindi pwedeng ma I-encourage ko siya, hindi pwedeng hayaan ko na lang ang sarili ko na mahulog sa kanya. Maraming mS mahalagang bagay sa buhay ko ang kailangan ko munang harapin at unahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whatever It Takes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon