Nakidaan kami ni Sab pero kaagad ding nagtago sa mga nakakumpol na tao dahil baka pagalitan kami ni coach at sabihing hindi nagprapractice gayong pinagpapahinga lang kami.


Kumunot ang noo ko nang makita kung paano gumalaw si Heinz para lang hindi makuha ni Ace ang bola sakaniya. Masyado namang game na game, parang babae ang bolang kanilang pinag-aagawan.


Hindi naagaw ni Ace ang bola at muntikang mashoot ni Heinz pero nakuha iyon ni Dean at pinasa kay Wade. Makikita sa mga estudyante na hindi alam kung sino ang kanilang kakampihan dahil pare-pareho lang naman na estudyante sa campus ang magkakalaban.


Lalapitan ko sana si Ace nung matapos ang laro ngunit hinawakan ni Sab ang kamay ko para pigilan.


"Kailangan na nating bumalik baka makita pa tayo ni coach"  bulong ni Sab.


Bumaling pa 'ko kay Ace na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil nasaktan ako sa nakita. I saw the woman we saw the other night we ate dinner, she's approaching Ace and opened her arms widely to hug Ace. Ace embraced her. Mukhang sa kabilang department siya pero parehong campus dahil pamilyar ang uniform niya. May kaunti lang na pagkakaiba sa uniform namin kaya alam kong sa campus rin namin siya.


"Sandra! Ang hina ng tira mo"  saway sa 'kin ni Sab dahil hindi man lang umabot sa kabilang parte ng court ang tinira ko. Parang nawala ako sa sarili ko. What I saw earlier kept flashing in my mind and it gives me nothing but heartache. I don't want to see Ace with other woman, I'm not ready yet.


"Aw!"  Napahawak ako sa ulo ko nang matira ako ng bola.


"Kanina pa kita kinakausap"  reklamo ni Sab. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapagtantong sinadya niya 'yon.


"Ayos ka lang? Mukha kang wala sa sarili mo"  kumento niya. Iisipin ko na sanang nag-aalala siya pero ganoon ang tono ng boses niya, maldita pa rin.


"Medyo masakit lang ang ulo ko"  rason ko nalang dahil maging ako ay hindi naiintindihan ang nangyayari sa 'kin.


Ilang beses ng tinira sa 'kin ang bola at dalawang beses ko lang natira 'yon pabalik sa kabilang court, ang mga ibang tinira papunta sa 'kin ay hindi ko man lang napapaabot sa net.


"Sandra umupo ka muna. Mukhang pagod ka na"  mukhang nag-aalala lang siya pero parang lalamunin niya ako ng buo kapag umupo ako.


Umupo muna ako at uminom ng tubig. The moment I caught earlier bothers me. Tuwing naaalala kong nagdikit ang balat nilang dalawa ni Ace ay satingin ko sasabog na 'ko.


Napaka selfish ko naman kung iisipin kong gusto ko na ako lang ang kaibigan niya, na ako lang ang yayayain niyang kumain sa labas, na ako lang ang ipagluluto niya, na ako lang ang ihahatid niya, na-


"Anong iniisip mo diyan?"  Muntikan akong mapatalon sa paghawak ni Ace sa balikat ko na dahilan sa pagtigil ng pag-iisip ko. May nakasabit na towel sa kaliwang balikat at maliit na duffle bag naman sa kabilang balikat.


Nang hindi ko siya sinagot dahil sa pagkatulala ay pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon at napasimangot. Ang bully niya sa 'kin!


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo" kaswal na sabi niya at wala man lang emosyon.


Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumabi siya sa inuupuan ko at nakatingin sa mga naglalaro sa court. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa side view niya. Mukhang fresh pa rin siya kahit kakagaling lang sa laro. Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa 'kin at nahuli akong nakatitig sakaniya. Nakakahiya! Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan.


Twisted LivesWhere stories live. Discover now