KABANATA 7

127 7 0
                                    


PAGKATAPOS magpakilala ng apat na prinsepe ay pumunta ako sa opisina ni headmistress pero wala daw ito kaya naman pinagpaliban ko na lamang ito.

Ilang linggong laging ganon ang nangyari sa akin. Wala akong napapala kaya habang hindi ko pa nasasabi ay nageensayo ako sa pagamit ng mahika sa gubat na ito.

"BIRTUD NG HANGIN! INUUTUSAN KITA! ILIPAD ANG SANGANG KAHOY!" sabi ko at ikinumpas ang kamay sa kahoy na natumba at pinutol ko kanina gamit ang fire sword.

Binagsak ko ito sa lupa at umupo doon.

'nakakapagod'

Agad akong tumayo at nag-isip. Subukan ko kayang magsama ng dalawang makiha?

Gamit ang isip ay pinagsama ko ang tubig at hangin. Ginawa ko itong bola hanggang sa nakabou ako ng nyebe

'wow' sabi ko kaya naman labis akomg nasayahan

Gumawa ako nang maraming snow flake at gumawa na din ako ng snow castle at iba pa

kasalukuyan akong gumagawa ng ice sword ng may magsalita sa likod ko

"p-paano ka nakakagawa ng nyebe?" sabi nito kaya napalingon ako at yumuko sa mahal na prinsepe

"napakahusay wayesha! Kailangan itong malaman ng headmistress" sabi nito at akmang tatakbo na siya ng hinawakan ko siya sa kamay.

"nakikiusap ako mahal na prinsepe wind! Wag niyo po akong isusumbong"

Nag-isip ito at umiling
"subalit kailangan mong matutunan kontrolin ang majika mo"

"kaya ko na mahal na prinsepe. Kahit na wala nang tulong ninyo o nino man ay kaya ko, Maniwala ka!"

Napabuntong hininga ito at umiling

"hi---"

"pakiusap" sabi ko pa sa kaniya kaya napabuntong hininga ito at tumango

"sige!" lubos akong nagalak at yinakap ito

"salamat"

"sa isang kondisyon" dagdag nito kaya napabalik ako sa harap niya

"ano po iyon? Lahat ay gagawin ko" sabi ko kaya natawa siya ng bahagya

"sige. Samahan mo kong lumipad sa himpapawid"

"a-ano po? Pe-pero"

"nais mo bang malaman ito nang nakakataas?" tanong nito kaya wala akong nagawa kundi tumango na lamang at sumama sa kaniya.

Lumipad ito kaya akmang kukunin ko na ang broom stick ko ng hinawakan nito iyon at binali

"MAHAL NA PRINSEPE!" gulat na ani ko pero tumawa lamang ito

"alam ko na nakakalipad ka na wala iyan binibini" napayuko ako sa sinabi niya kaya tumawa ito

"halika na"

"pero paano po kapag may nakakita?"

"wala! Akong bahala"

Hinawakan nito ang kamay ko at bigla siyang naglaho.

'invisible'

Napatingin ako sa katawan ko at wala na din.

"wag mong bibitawan ang kamay ko wayesha" Seryosong sabi nito at agad na lumipad kaya lang napasama ako

"wayesha! Lumipad ka din" natawa naman ako at kinontrol ang hangin upang makalipad ako

Nang nasa tuktok ako ay kitang-kita ang mga tao sa ibaba na may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now