KABANATA 2

175 7 0
                                    

TUMANGO naman ako sa sinabi niya. Kaya pala humahangos siya kanina.

"ito na ang room ng headmistress, maiwan na kita?"

"wayesha"

"wayesha, may klase pa ako eh. Sa hilatsa ng itsura mo,mukhang matagal kanang nakatungo rito" huling sambit nito bago umalis kaya kumatok ako sa pintuan

"come in" rinig kong saad sa loob kaya pumasok ako at napa 'wow' maraming mga usok na nagliliparan at kumikinang ang lahat

"how may i help you young lady?"

"bago lang po kasi ako. Maaari ko po bang makuha ang uniform at iba ko pang kagamitan na gagamitin sa paaralan" tumango ito sa akin at naglakad patungo sa tapat ng pintuan

"una sa lahat ay kailangan mo muna magkaroon ng sarili mong fairywing na magiging kasa-kasama mo kahit saan ka tumungo"

"fairywing?"

"oo binibini, isa silang fairy na walang kakayanan magkatuwang tao. Lahat ng mag-aaral ay may kaniya-kaniyang fairywing at sila din ang nagpapangalan sa mga ito"

"talaga po?"

"oo at siya na rin ang magpapaliwanag sayo ng maaari mong matutunan"

Napatingin ako sa mga bulaklak sa paligid

"ako po ba ang pipili?"

"hindi. Ang bulaklak ang pipili"

"a-ano po?"

"maglakad ka na iha. Kapag nakakita ka ng bulaklak na lumiwanag ay itapat mo na ang iyong palad at doon mo na makikilala ang iyong tagapagsilbi"

Tumango ako sa isinaad niya at naglakad subalit kanina pa ako dito pero wala pa ring lumiliwanag

"hindi po kaya walang nakatakda sa akin?" umiling si headmistress at muling naglakad

"sumunod ka" naglakad ako kasama nito at tumungo sa isa pang pinto. Pagkabukas ay katulad din kanina ay maraming bulaklak pero di hamak na mas makukulay sila

"ito ang silid kong saan ang mga maharlika lamang ang kanilang pagsisilbihan"

"p-pero hindi po ako maharlika?"

"subukan mo lang"

Katulad nga ng sinabi niya ay naglakad ako pero wala pa rin kaya napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa mga bulaklak at isa nalang ang hindi ko pa nalalapitan. Ang bulaklak na pula pero may iba't-ibang kulay.

Narinig ko pang inawat ako ni headmistress pero huli na dahil nalapitan ko na ito.

WALA nang nagawa ang headmistress namin ng tinapat ko na ang aking kamay at lumiwanag ito.

Bumulaga sa akin ang maliit na babaeng nakahiga sa gitna. Umunat ito bago humarap sa akin

"waaahh!! Are you my milady" lumipad ito at inikot ikutan ako

"napakaganda mo your highness" sabi nito kaya medyo nailang ako

"ahh waye nalang para sayo ahm?"
Napakamot ako sa batok ng hindi ko alam ang ipapangalan ko sa kaniya

"ayesha? Ayos lang ba sayo ang ganyang ngalan" 

"WAHHH!!!" Nagulat ako ng bigla itong nagtitili. Hindi naman malakas since maliit siya pero ang kyut niya tingnan

"i love it"

Napatingin ako sa headmistress na gulat na gulat kaya naman lumapit ako sa kaniya

"headmistress?" takang tanong ko pero hindi ito umimik

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now