Tumalikod ang babaeng nakapula kaya naman pumikit ako

'BIRTUD NG HANGIN AT TUBIG! AKO'Y IYONG DALHIN GAWING TUBIG NA HINDI NILA BASTA BASTANG MAKIKITA" sabi ko at dinilat ang mata

Napatingin ako kay ayesha na namamangha

"anong spell ang iyong ginamit kamahalan?"

"basta" sabi ko nalang dahil hindi nito maaaring malaman na kaya kong gamitin ang apat na birtud

Sumunod ako sa babaeng nakapula. Nang malapit na kami sa garden ay huminto ito subalit hindi lumingon

"MAGPAKITA KA!" sabi nito pero hindi ako nagsalita

Naglabas ang apoy sa kamay nito kaya napaatras ako. Hindi lang dahil sa takot kundi dahil kakaiba ang apoy niya. Isa itong apoy na may kulay itim na bola sa loob

"kung ayaw mong makawasak ng straktura sa akademya! Lubayan mo ko" tinikom nito ang kamay at tumakbo ng mabilis

Hindi ko na ito sinundan dahil natulala ako

'may bampirang kayang maggamit ng ganoong apoy'

Napatingin ako sa aking palad at agad na tumakbo papunta sa silid. Agad kong nilock ito at nagpalabas ng apoy sa palad

"b-bakit ganito? S-sa kaniya kulay itim?"

Biglang sumulpot si ayesha at nagtaka ng makita ang apoy sa palad

"i-ikaw nga!" sabi nito at agad akong yinakap

"mahal na prinsesa" sabi nito pero nagtaka ako

"ano bang sinasabi mo ayesha"

"mahal na prinsesa, nagagalak ako na ikaw ay bumalik"

"hindi ako prinsesa" sabi ko pero umiling ito

"batid kong nagtataka ka kung bakit tumatago ako kapag lumalabas tayo. Marapat siguro ay kausapin mo ang headmistress" sabi nito kaya kumunot ang noo ko

"mahal na prinsesa. Magpahinga kana dahil baka ikaw ang mabunot bukas" sabi nito pero umiling ako

"pero nais kong malaman ang sinasabi mo"

Umiling ito sa akin at tinulak ako pahiga.

"sige na mahal na prinsesa. Bukas mo malalaman ang lahat" sabi nito kaya napabuntong hininga nalang ako

'totoo kayang? Ako ang totoong prinsesa? Ang prinsesang nawawala?'

Naalala ko ang nakaraan pero bakit ganoon? Ang alaala ko ay nagmula lamang nang pitong taong gulang na ako

Kuya andrew? Sino ka ba talaga?

KINABUKASAN ay gumayak na ako ng kasoutan namin ngayon bilang isang witch. Dala dala ko ang broom stick ko maging ang wand ko sa kabilang kamay.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa headmistress kasama si ayesha

"kamahalan, wala po ang headmistress" sabi ni ayesha kaya napahinto ako at nagtatakha silang tiningnan.

"paano mo nasabi na wala siya?"

"wala po kasing liwanag sa pinto" turo nito sa isang bilog malapit sa pintuan kaya napabuntong-hininga ako.

'i want to know the truth kung bakit kakaiba ako'

"sige, mamaya nalamang ako tutungo sa kaniya. Pupunta na ako sa quadrangle" sabi ko dito kaya ngumiti ito

"maiiwan na kita kamahalan, hindi ako maaaring tumungo roon" sabi niya kaya tumango ako at naglakad

Malapad ang quadrangle ng paaralan. May apat na bleachers dito. At stage naman.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now