Nang hindi ko na sila natanaw ay lumabas ako at napatingala nang nakita ko ang mga taong gumagamit ng broom.

'siguro ay isa sila sa mga prinsepe at prinsesa ng wiland'

"TABI!" napalingon ako sa likod at ganon nalamang ang panlalaki ng mata ko nang may apoy na rumaragasa patungo sa akin.

Agad akong umilag kaya tumama ito sa poste

"ayos ka lang ba binibini?" napatingin ako sa babaeng nakaall black at nakawitch hat na may gold linings.

"a-ayos lang ako"

"pasensya kana. Muntik ko na kasing natamaan ang mag-asawa nang mahika ko kaya lumihis ito at tumungo sa iyo"

Tumango lang ako sa sinabi nito
"oo nga pala ako si wella!" nakangiting sabi nito kaya ngumiti.

NAKANGITING nagpakilala ako sa kaniya

"ako pala si wayesha"

"wow! Ang cool ng name mo!" sabi nito kaya natawa ako

"nag-aaral ka ba sa academya?" tanong nito kaya kumunot ang noo ko

"academya?"

"oo! Doon nga lang iyon sa sentro na pinamumunuan ng mga bampira"

Akmang tatanong pa ako ay may dumating na mga witch din pero kakaiba ang sombrero nila dahil may feathers ang tuktok nito

"MAHAL NA PRINSESA!" sabi nila kay wella

"PINAPATAWAG KA NA PO NG REYNA" humarap muli sa akin si wella at ngumiti

"paalam wayesha! Sa muli nating pagkikita" sabi nito at kinumpas ang wand na hawak niya at may lumabas na pulang mga usok doon

"tanda iyan na maaari ka nang lumapit sa akin"

Pagkatapos nito sabihin iyon ay umalis na siya kaya naman napatingin akong muli sa paligid

"ANAK!" napatingin ako kay ina nang lumapit sila sa akin ni ama kaya agad ko silang inakap

"kamusta po ang pag-uusap?"

"mabuti naman anak" sabi lang ni ina kaya nagsimula na kaming lumakad

"mahal sa tingin mo nasaan na kaya napunta ang prinsesa?" biglang tanong ni ama kaya medyo naging interesado ako

"hindi ko alam mahal pero batid kong kaedad ito ng ating anak na si waye!" humarap sa akin si ina at inakbayan ako

"hindi ba anak? Labing-anim na taon kana?" tanong niya kaya tumango ako

"oo nga pala ina may nais po sana akong itanong?"

"oo naman"

"si wella po? Sino po siya?" nagkunot ang noo ni ina sa aking tanong

"si prinsesa wella marahil ang iyong tinutukoy, paano mo nakilala ang mailap na prinsesa?" napaisip naman ako sa sinabi ni ina

'paano naging mailap si wella eh mabait at kwela siyang kausap'

"nabanggit niya po kasi ang academya" napahinto sila ni ama pero nagpatuloy sila sa paglalakad.

Binuksan ni ina ang bakod kaya pumasok na kami

"ang academya ng mahika ay academya dito sa mundo natin na matatagpuan sa sentro"

"sentro po?"

"oo anak. Ang wiland, fairland, vampland, woland. Ang apat na kaharian dito anak. Nasa timog tayo samantalang ang vampland naman ay nasa norte" TUMANGO ako sa sinabi ni ina kaya muli itong nagpatuloy.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now