Dyan ba kami dumaan? Gamit lamang ang Gate na gawa ni Duchess Hina?

"Welcome..." napatingin ulit ako sa harapan dahil sa boses na iyon. "... Lustrous Academy Students." sumalubong sakin ang nakangiti nyang labi.

Pareho sila ng ngiti ni Duchess Reina at Hina... Yung ngiting may Ibigsabihin. May pinapahiwatig. Ganun. Tss!

"Uhh. Thank you?." patanong na sagot ni Jessel.

"Iam Head Master Anko. The right-hand of Head Principal Suki." pakilala nya sabay bow.

Head Principal Suki? Sya ba ang Head ng School nato? Kagaya ng position na meron si Head Lanie sa Lustrous Academy?

Pinasadahan ko ng tingin mula ulo hanggang paa si Head Master Anko. May suot syang kakaibang klase ng damit. Kulay puti. Nakaputing sandal din sya. Naka-Bun ang kulay itim nyang buhok. May hula ako na ang position nya dito ay kagaya ni Duchess Hina kung ikumpara sa amin.

"Ahh. N-nice too meet you po Head Master Anko. Ako po pala si Diane."

"Hello po Master Anko. Heheh."

Si Diane at Eiron lang ang bumati sa kanya. Tiningnan ko ang mga kasama ko, nakikita ko sa mga mata nila na nagdadalawang-Isip sila kung magpapakilala din ba o hindi? Parehong nagtatanong at naweweirduhan.

Nilingon ko ulit si Master Anko. Ngumisi siya. "Ipapaliwanag ko sa inyo kung bakit kayo nandito..."

Biglang tumaas ang balahibo ko. At ganun din ang mga kasama ko. Pareho naming naramdaman ang kakaibang lakas ng Isang kapangyarihan. Pero hindi ako nagpakita ng takot.

"... Bukas." dagdag nya.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Diane. Nanginginig ito. Ramdam ko ang takot. Nakikita ko din sa nakangiting mukha ni Master Anko na hindi nya kami tinatakot. Ganun na ganun padin ang Itshura. Pero...

... Ang Hirap nyang basahin.

'Another Duchess Hina?...' rinig kong boses ni Sophia sa aking Isipan. '... And Strongest Sorceres? Ghadd! Bakit ang lakas.' naka-poker face man si Sophia, ramdam ko naman ang konting takot nya.

"A-ahh... Head Master Anko? Can you explain to us now? Naguguluhan kami." wika ni Jessel habang tinatago ang takot.

"Come..." sabay talikod nya. "... You're welcome here. Starting today, this will be your New School. Alam ko na biglaan ito sa inyo. But..." dumaan kami sa gitna. Lahat ng nakakasalubong naming mga nakalinyang Studyante—By row. Ay napapayuko ang ulo. Napapa-iwas ng tingin. "... It was the Head Principal's order." dagdag nya.

"Question. Pansin ko lang, bakit hindi pare-pareho ang color ng mga suot nila?" tanong ni Jessel habang nakaturo sa Isang row ng mga studyanteng may kulay Brown na suot na Uniforms.

"Because they came from in Another School. Lahat ng nakikita nyo dito ay galing sa Ibat-ibang Realm. Except to those whose wearing White and Yellow Uniforms." paliwanag nya.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon