Chapter 1

37 4 6
                                        

Sa buhay ng tao ay napakadaming hindi mapaliwanag na bagay.Sa panahon ngayon marami ng hindi naniniwala sa mga pamahiin at mga sumpa.Ito ang kwento ng buhay ko at kung paano nagsimula ang lahat.

Bago mangyari ang mga trahedya at pagkawala ng mga mahal ko sa buhay ,noong bata pa ako sinabi sakin ni Tita Jasmine ang tungkol sa sumpa ng black Valentines.

Daang-daang taon na ang nakalipas ,
ang sumpang ito ay galing pa sa mga ninuno ko at napapasa sa bawat henerasyon ng pamilya.

Dagdag pa ni Tita ang mga ito ay nagpapatay ng mga taong di sumusunod sa kanilang samahan at kahit mga inosenteng mga tao ay pinapatay nila at walang awa na silang pumapatay na kahit mga mahal nila sa buhay kanilang pinapatay.

Nagalit ang diyos ng pagmamahal at sinumpa na sa bawat unang anak sa isang henerasyon ay magdudusa sa mga kasalanan nila .At ako ang unang anak ng pamilya sa henerasyong ito pero nung una di ako naniniwala kaya pinapabayaan kolang.

Noong una napakaayos ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko at nung mag college nako nagsimula ang lahat.

My name is Kyle Brixen
Guevarra ,mahilig akong gumawa ng mga tula at maiikling mga kwento.Bata palang ako hilig ko na ang pakikinig ng kwento at pagbabasa ng mga libro.

Its the first day of school this year at college nako.Excited narin ang lahat lalo na ang mga kaibigan ko na makakita ng mga magagandang transferee.

"Kyle brixen Guevarra bakit hindi kapa nakabihis mahuhuli kana sa unang araw ng klase mo!!!! "

(Sabay pingot sa tenga ko )

"Mama naman ehh ! Heto na maliligo na."

Dali-dali akong nagbihis at umalis ng hindi nag-aalmusal at pumaripas ng takbo. Sa sobrang pagmamadali nabungo ko ang isang babae na papunta din sa eskwelahan.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo !!!"sabi nya pa sakin

Malayo palang pero abot-tanaw ko ng nakikita ang dalawa kong kaibigan na sina William at Banjamin na kumakaway sakin.

HOYYY Brix!!! Takbo ka na ."

Ano ready na kayo para sa first day ? Tanong ko sa kanila

"Oo naman kahapon pa "sagot naman ni Ben

"Ready ba sa pumasok o makakita ng mga transferee? "biro naman ni William sakanya

"Pwede both?"sabay tawanan ang dalawa

"Hayyy nako! mga baliw nga talaga kayo "

"Welcome students ,you may proceed to your room and create some memories this year.Take care and Godbless !"

At ang lahat ng studyante ay pumunta na sa mga klase nila.

Pagpasok namin sa room ay may batuhan agad ng papel at sobrang ingay na parang magkakakilala na .

"Masaya to! mukhang madaming kalokohan na naman ang mangyayari ."

"Gago ka Ben ! Bahala kayo wag lang kayo mandamay."

"Ang kj mo naman Brix "

At biglang pumasok si Mrs.Sophie Wyatt na may kasamang magandang studyante .Bigla ko din naisip na nakita ko sya kanina.

Nang tinuro nya ako at sinigawan ako

"Ikaw yung dahilan kung bakit nahuli ako sa klase!! Di ka kase tumitingin sa dinadaan mo !!! "

At yun natahimik ang buong klase pati si Mrs.Sophie

"Grabe naman sya mukhang dragon pag nagalit " sabi ng mga kaklase namin

"Okay class , I want you to meet Ms. Brielle Montemayor isang transferee galing states.Pero gusto nya daw mag-aral dito sa pilipinas dahil binubully sya."

At nagpakilala sya.

"Ehhhh binubully yan? Parang sya panga nambubully ehh."bulong ni Ben

"Kahit ganon maganda sya diba Brix ? "Tanong sakin ni William

At tamang tango lang ako

"Pakilala nyo nalang sarili nyo sakanya "

Tinuro ako ni Mrs. Sophie at tinanong pangalan ko. Syempre sinabi ko naman,

"My name is Kyle Brixen Guevarra "

At biglang ,

Mr.Guevarra at Ms.Harper sa harap kayo umupo at magtabi kayo."

"Ehhh?"

"Swerte naman ni Brix ang ganda ng katabi nya " bulong ni Ben sa likod

Natapos ang mga klase at uwian na. Habang pauwi nalaman ko na ang bahay pala ni Brielle ay malapit lang samin ,halos isang kanto lang.

"Ma,andito na po ako."

At nakita ko si mama na nagluluto kaya diko muna sya inistorbo at pumasok sa kwarto ko.

Kinagabihan habang nagseselpon naisip ko kung meron social media account si Brielle at meron nga kaya tinignan ko pati mga litrato nya.

Nalaman ko din na pareho na kaming ulila sa ama at tanging mga ina nalang ang mga kasama namin.

"Brixen kain na ! "Sigaw ni mama

Pagkababa ko ay nakahapag ang paborito kong pininyahang manok .

"Busog nanaman ako neto"

Pagkatapos kumain ay nagsimula nakong magbasa ng libro habang nakikinig ng mga tutuging pilipino.

Pagkagising ko sa umaga at pagmulat ng aking mga mata nakita ko ang mga  nagbabagsakang mga unan sa mukha ko.

"Gumising kana late kananaman ! Puro ka kase puyat !!

At yun huli nanaman ako sa klase at masakit pa ulo ko.

Pagpasok sa room ay wala pang guro kaya swerte pero sa katabi ko hindi.

"Sungit mo naman. Sorry na ahhh "

"Heh!! Walang kwenta sorry mo "

Nung una nahihirapan talaga ako kung paano kakausapin si Brielle pero naisip ko ang isa kong kaibigan na si Yuuki na tuwing galit gusto lang nang pagkain .Kaya nang magkaroon ng oras bumili ako nang pagkain at binigay sa kanya at gumana ang plano..

At yun ang simula ng paguusap namin. Pero hirap talaga kausapin babae pag may atraso ka.

Lalo na kung girlfriend mo pa hayy nako ubos pera ng mga lalake.

"Oii Brix mukhang napa amo mo na yung dragon ahh ."Biro sakin ni William

"medyo , pero mukhang nakita kona sya dati ehhh"

"Ehhh ?saan naman ?ehhh galing ibang bansa yan"

"Nevermind tara laro tayo sa computer shop pagkatapos magbihis sa bahay "

"Saan si Ben ? Tanong ko kay William

"Ewan ko don saan-saan nagpupunta baka may jowa na or may kalokohan na namang ginawa."

At yun pagkatapos maka-uwi sa bahay ehh nagpaalam ako kay mama na magpupunta lang sa computershop.

At nakita namin si Ben na may ibang kasama malapit sa computershop pero di namin pinansin at naglaro lang kami.

Pagka-uwi sa bahay aral ulit at syempre gawa ng mga tula at mga maiikling kwento at ipopost sa social media at manonood ng anime..

Curse of the Black ValentinesStories to obsess over. Discover now